|
||||||||
|
||
Mga Sangkap:
1 sariwang manok na tumitimbang ng isa't kalahating kilo
2 kutsaritang ginger sauce
2 kutsaritang Chinese rice wine
2 kutsaritang peanut oil
3 spring onions (iyong chopped)
4 na malaking piraso ng greaseproof paper at
3 kilo ng magaspang na asin
Paraan ng Pagluluto:
Pahiran ng ginger sauce at rice wine ang loob ng tiyan ng manok, tapos pahiran
ng langis ang balat.
Palamanan ang tiyan ng manok ng spring onion tapos balutin ang katawan nito ng
dalawang layers ng greaseproof papers. Siguruhin na greaseproof paper ang
gagamitin at hindi ordinaryong wax paper.
Mag-init ng asin sa kawali sa loob ng sampung minuto. Alisin ang kalahati ng asin.
Bahagyang ilubog nang padapa ang manok sa natitirang asin. Takpan ang kawali
at iluto ang manok sa mahinang apoy sa loob ng isang oras. Kung hindi naman,
lutuin ang manok na nakababad sa asin sa may-katamtamang init na oven sa loob
ng isang oras.
Alisin ang manok sa asin tapos tapos tanggalin ang wrapping paper. Hiwa-hiwain
ang manok bago ilagay sa serving dish at isilbing kasabay ang Chinese peanut-oil
sauce.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |