Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tales from the Dark 1

(GMT+08:00) 2014-01-03 18:25:41       CRI

Hindi madalas na tinatalakay sa PTNT ang mga horror movies. Bibihira dahil una takot si Andrea sa ganitong klaseng pelikula at ikalawa, ito ay di pa mature bilang isang genre sa Tsina at mas gamay dito ang paggawa ng mga fantasy films.

Ang Tales from the Dark ay isang two-part film project na may tatlong short stories bawat installment. Ang mga kwento rito ay mula sa kilalang Hong Kong horror writer na si Lilian Lee.

Si Lilian Lee ay isa sa pinakamatagumpay na manunulat mula sa Hong Kong na nakapag-lathala na ng daan-daang mga nobela. At marami dito ay nagkaroon ng mga film adaptations.Halimbawa nito ang Rouge ni Stanley Kwan, Farewell My Concubine ni Chen Kaige at ang Green Snake ni Tsui Hark.

Sa Tales From the Dark Part 1, tatlong direktor ang tampok dito kabilang sina Fruit Chan, Lee Chi Ngai at ang directorial debut ng kilalang actor na si Simon Yam.

Ang unang story nito ay pinamagatang "Stolen Goods" kung saan si Simon Yam ay gumaganap bilang isang loner na nakatira sa isang "coffin apartment." Nawalan siya ng trabaho at sa halip na humingi ng welfare sa gobyerno pinili niyang maging "grave robber."

Sa kasong ito columbary robber dahil ninanakaw niya ang urn na may abo ng mga yumao at ipinatutubos ito sa mga kamag-anak. At dahil sa maling gawain ito'y may kapalit na paghihiganti nang nagambala niyang mga patay.

Bilang actor di matatawaran ang galing ni Simon Yam. Kapanipaniwala at may puso ang pagganap nya sa papel. Pero bilang direktor ang paraan niya ay mahirap maunawaan at maraming mga eksena at imahe sa pelikula na tila walang kabuluhan o koneksyon sa istorya. Maraming imahe ng mga multo at yun lang ang tanging ambag nito sa pelikula pero walang maitutulong para maging nakakatakot ang "Stolen Goods."

Sa ikalawang story, ang A Word in the Palm, kasama dito ang superstar na si Tony Leung Kar-Fai, na gumanap bilang Mr. Ho, isang manghuhula na paminsan-minsan ay nakakakita ng mga ghosts. Kasama niya si Kelly Chen, na gumaganap bilang bubbly and loopy mystic. Magkasama nilang tinulungan ang isang buntis na kliyente na minumulto.

Walang butas ang istorya pero madaling hulaan ito. Pero sa bandang dulo bumawi ang script nang ilahad ang sikreto ng anak ni Mr. Ho. Luma at nagamit na ang mga effects sa pelikula kaya bawas ang pananakot-effect nito.

Ang ikatlo at huling segment ay dinerehe ni Fruit Chan at pinamagatang Jing Zhe. Noong 2004, ginawa ni Fruit Chan ang Three Extremes: Dumplings na adaptation ng libro ni Lilian Lee. At ito'y isang matagumpay na pelikula.

Ang Jing Zhe ay tungkol sa "Villain Hitting"(打小人). – isang uri ng pangungulam, kung pinapalo ang litrato ng isang tao o papel na may drowing ng tao at isinusumpa ito ng mangkukulam. Siyempre may bayad ang serbisyong ito.

Si Susan Shaw ang gumanap bilang mangkukulam na nilapitan ng isang misteryosong babae (Dada Chen) para isumpa ang tatlong lalaki at isang babae.

Ang villain-hitting ay folk sorcery na kilala sa Guangdong at Hong Kong. Ito'y bahagi ng Intangible Cultural Heritage ng Hong Kong Affairs Bureau.

Mas nakaeengganyo nang panoorin ang huling segment. May misteryo at may suspense. Magaling din ang pag-arte ni Susan Shaw at ni Dada Chen.

Sa kabuuan hindi kayang pumantay ng Tales from the Dark sa mga ibang Asian horror films mula sa Japan, Thailand, Korea at Pilipinas. Pero ito ay isang hakbang para muling pasiglahin ang horror genre na dati-rati'y pinangungunahan ng Hong Kong cinema.

Rating: Mac 8 / Andrea 8.5

Ang Stolen Goods

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>