Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tales from the Dark 2

(GMT+08:00) 2014-01-12 11:16:59       CRI

Gaya ng part one, ang Tales from the Dark 2 ay may tatlo ring direktor at ang mga kwento ay hango sa mga nobela ni Lilian Lee.

May tatlong segment ang pelikula. Ang una ay pinamagatang Pillow at ito ay directed by Gordon Chan. Si Lawrence Ah Mon naman ang gumawa ng ikalawang segment at ito ay tinawag na Hide and Seek. At ang ikatlo na may pamagat na Black Umbrella ay pelikula ni Teddy Robin.

Kung ilalarawan ang part two ng pelikula, ito ay mas madugo, mas malapit sa tunay na katangian ng mga horror films at mas nakakatakot kumpara sa part one.

Kung sa part one may katatawanan ang ilang bahagi ng pelikula, sa part two wala na at todo-todong horror ang ipinakita nito.

Ang Pillow ay tungkol sa isang nurse na di makatulog o may insomia. At sinubukan na niyang uninom ng pills pero wa-epek. Sa mungkahi ng doktor na ang insomia ay "psychological condition" bumili siya ng unan na makakatulong para makatulog siya ng mahimbing. At nakatulong nga ang pillow na ito para makatulog siya. Pero kapag nahihimbing sya ay nananaginip. At dahil gusto nya ang mga panaginip na ito ayaw na niyang magising. Walang kapintasan ang segment na ito ni Gordon Chan kundi ito'y isang mystery tungkol sa isang crime of passion. At ang suspense element nito ay mula sa incubus at ang multo ng pinatay na boyfriend.

Sa "Hide and Seek" naman isang barkada ang dumalaw sa kanilang eskwelahan na malapit nang gibain. Maraming fond memories ang grupo sa eskwelahan. At bilang katuwaan sila ay naglaro ng taguan o ang kilalang traditional game na Master and Ghost. Kaso sa gitna ng kanilang paglalaro lumabas ang tunay na mga ghosts.

Kumpleto ang segment na ito ng lahat ng elemento ng isang nakakatakot na pelikula. At nakita kung gaano kabihasa si Lawrence Ah Mon sa paggawa ng mga ganitong pelikula.

Epektibo ang piniling lokasyon maging ang lighting at production design ng pelikula ay malaki ang ambag sa takot-effect ng pelikula. Dagdag pa rito ang ankop na musika na talagang magpapatindig sa balahibo ng mga manonood. Pagdating sa istorya wala itong lose ends at ang ending ay isang surpresa.

Ang huli at ikatlong segment ng Tales from the Dark 2 ay isinulat mismo ni Lilian Lee.

Pinagbidahan at dinerehe ni Teddy Robin. Nakakahinayang dahil sa kabila ang blood and gore walang sense ang kwentong ito at nagiiwan ng maraming tanong sa isipan ng mga manonood.

RATING : Mac 8.5 / Andrea 9

Ang Pillow

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>