|
||||||||
|
||
Nartio ang mga sangkap
Kalahating Chinese cabbage
2 kutsarang cooking oil
Kalahating sibuyas, hiniwa nang pino
60 gramo ng pork (o kung hindi naman ay prawns na inalisan ng balat)
2 kutsarang tubig o sabaw ng manok
¼ na kutsarita ng asin
1 kutsarita ng malabnaw na soy sauce
Narito ang paraan ng pagluluto
Hugasan ang Chinese cabbage at hiwa-hiwain sa sukat na 4 na sentimetro.
Ihiwalay ang tangkay sa dahon. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang
bawang at luya hanggang sa lumambot. Ihulog ang pork o prawns at ilaga
sa loob ng ilang minuto hanggang sa magbago ang kulay. Ihalo ang tangkay
ng cabbage at igisa sa loob ng dalawang minuto tapos isunod ang dahon at
ituloy ang paggisa sa loob pa ng 2 minuto. Ibuhos ang chicken stock tapos
lagyan ng asin at soy sauce . Takpan ang kawali at ilaga ang cabbage sa loob
pa ng 2 hanggang 3 minuto hanggang sa maluto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |