|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, namuno sa groundbreaking rites ng San Gabriel Power Plant
DUMALO at naging panauhing pangdangal si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa groundbreaking rites kanina sa San Gabriel Power Plant ng First Gen Corporation sa Batangas City.
Nagkakahalaga ng US $600 milyon, mayroong tatlong bahagi ang proyekto at ang unang unit ay magkakaroon 414 megawatts na makakadagdag sa Luzon Grid.
Ani Pangulong Aquino malaking tulong ang planta sa kaunlaran ng bansa sapagkat ang ekonomiya ay nakasalalay sa sapat na kuryente. Ang mga mangangalakal ay makakapuna ng pagbabago at makikita nila ang Pilipinas bilang kaaya-ayang lugar para sa mga kalakal, dagdag pa niya.
Sa 2016, ang pamahalaan ay umaasang magkakaroon ng pangangailangang aabot sa 11,000 megawatts mula sa 10,294 na megawatts ngayon.
Mula ngayong 2014 hanggang 2016, ang pamahalaan ay umaasang magkakaroon ng mga bagong planta ng kuryente na aabot sa 2,412 megawatts na kapasidad para sa Luzon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |