![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140113.m4a
|
Ito ay isang action crime film na isinulat at dinirihi ni Ding Sheng. At di tulad ng naunang Police Story films kung saan gumanap bilang pulis sa Hong Kong, si Jackie Chan ay gumaganap ng papel ng isang pulis sa Beijing.
Nagsimula mag-shooting ang pelikula noong November 2012 sa Beijing. Para paghandaan ang pelikula nagpagupit si Jackie Chan para maging kamukha ang mga pulis sa mainland. Natapos ang shooting ng pelikula February 2013.
Ang Police Story 2013 ang pang-anim na pelikula ng franchise. Una itong ipinalabas noong 1985. Ang sequel ay ipinalabs tatlong taon makalipas noong 1988.
Dahil patok sa takilya, noong 1993 ang ikatlong Police Story na may pamagat na Supercop. At lingid sa kaalaman ng mga fans ang pelikulang First Strike noong 1996 ang pang-apat na installment ng pelikula.
Sa New Police Story na ginawa ni Benny Chan, ang karakter ni Jackie Chan ay naging mas dramatic at ipinaubaya sa mga mas nakababatang aktor tulad ni Nicholas Tse ang mabibigat na stunts.
Ayon kay Ding Sheng, movie director ng Police Story 2013, ibang iba sa naunang mga pelikula. Katulad lang ito sa pangalan pero maraming elemento nito ang sorpresa para sa mga fans ni JackieDagdag ng director ang Police Story 2013 ay may brand new story at kumakalas sa traditional "cop movie" genre. Pinagsama nya rito ang maraming styles kasama ang "cop, action, suspense at crime."
Ano ang kwento? Sa pelikula si Jackie Chan ay ay isang mainland police na si Captain Zhong Wen. Nakipagkita sya sa kanyang anak na si Miao Miao (Jing Tian) sa Wu Bar, isang industrial-chic establishment na dati'y isang factory. Nadiskubre ni Zhong na nobyo ni Miao Miao ang may-ari ng Wu Bar na si Wu Jiang (Liu Ye).
Iba ang kutob nya at agad na di-boto sa nobyo ng anak. Nagkatotoo nga ang kanyang kutob dahil may masamang balak si Wu Jiang at hinostage nito ang lahat ng tao sa bar. May vendetta si Wu Jiang at gustong ipaghiganti ang isang kaganapan limang taon na ang nakararaan. Sa insidenteng ito sangkot si Zhong, isang preso na nagngangalang Wei Xiaofu at ang buntis na kapatid ni Wu na hinostage ni Wei limang taon na ang nakararaan.
Hindi kumplikado ang istorya at gaya ng ibang mga pelikula ni Jackie Chan aabangan mo dito ang makapigil hininga na action scenes o ang stunts na si Jackie Chan mismo ang gumagawa, meaning walang double na ginamit sa mga eksena.
Dahil dito ang mga pelikula ni Jackie Chan ay parating may mga ulat ng injuries. Gaya ng 1985 Police Story marami ang nabalian ng buto, nasugatan at naaksidente kaya araw-araw ay mag mga stunt crew na dinadala sa ospital. Kasama na rito si Jackie Chan na dinala sa ospital dahil sumuka sya ng dugo matapos ang walang patid na shooting hanggang alas-sais ng umaga.
59 anyos na si Jackie Chan ay sa isang press conference inamin nya na malamang sa mga pelikula nya sa hinaharap ay kakailanganin na nya ng stunt double. At humingi sya ng paumanhin sa lahat ng fans nya na sumuporta sa kanyang career sa showbiz.
Hindi mapipigil ang pagtanda kaya dala ng kanyang edad, ang Police Story 2013 malamang ang huli nyang pelikula na walang stunt double. Sa isang interview sinabi ni Jackie Chan na talagang gusto nyang gawing kakaiba ang Police Story 2013 kaya sa eksena kung saan tatakas sya sa loob ng Wu Bar ayaw nyang ulitin ang predictable na pagtakas mula sa pagkakaposas.
Ipinaliwanag nya na gusto nyang makumbinsi ang manonood kaya ginamit nya ang kanyang lakas para sirain ang steel wire. Dahil dito nasugatan sya at dumugo ang kanyang mga kamay. At ikinuwento rin nya sa interview na itinuloy nya ang eksena na ito dahil gusto nyang patunayan sa anak na si Jaycee Chan na kaya nyang gawin ito.
Sa mga fans na nag-aabang sa signature comic scenes ni Jackie Chan medyo mabibigo sila dahil ang Police Story 2013 ay siryoso di tulad ng naunang mga Police Story series
Bawi na pagdating sa stunts dahil makapigil hininga pa rin ito. Ang kwento ay unti-unting nailahad sa tulong ng mga flashbacks ng mga bida.
Matapos ang 13 araw ng pagpapalabas, ayon sa entgroup.cn ang Police Story ay kumita na ng $72,310,000 at kasalukuyang nasa No.1 sa weekly box office rankings ng China.
Ang lakas nito sa takilya ay patunay na di nababawasan ang suporta ng mga fans kay Jackie Chan. At matagumpay ang muli nilang pagtratrabaho ni Ding Sheng. Si Ding Sheng din ang direktor ni Jackie sa Little Big Soldier. Sa Police Story 2013 triple duty siya bilang director, screenwriter at editor.
In all fairness, maganda ang Police Story 2013 ito'y may dramatic moments. Pero hindi nakakatakot at hindi rin kamuhi-muhi si Liu Ye bilang kontra-bida. Kung ikukumpara kay Daniel Wu na kalaban ni Jackie Chan sa New Police Story. Si Daniel Wu ay captivating, wickedly charismatic bilang Joe Kwan in New Police Bagamat hindi bago ang father-daughter reunion sa mga pelikula maganda ang chemistry ng dalawang artista.
Si Jackie Chan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |