Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FIRESTORM

(GMT+08:00) 2014-01-27 12:42:37       CRI

Sa kabila ng pagtuntong sa edad na 51 anos, umaarangkada pa rin ang career ni Andy Lau at walang sinyales na sya ay hihinto sa paggawa ng mga pelikula. Lalo na sa paggawa ng action films.

Very active pa rin si Andy Lau, last time na napanood ko sya ay sa mga pelikulang Cold War, Detective Dee and the Mystery of the Phantom Flame at A Simple Life. Tinalakay na rin namin ang mga pelikulang ito dito sa PTNT.

This time bida sya sa Firestorm, high-octane/thriller na nangyari sa modern day Hong Kong. Sa Firestorm si Andy Lau ay isang senior police inspector na ang mga kalaban ay vicious gang of thives.

Director / Screenwriter ng Firestorm si Alan Yuen. Sa isang interview sinabi ni Alan Yuen na "Firestorm maintains the original flavor of the Hong Kong cop films that everybody used to love so much."

High-octane talaga ang Firestorm at di padadaig sa mga pelikula tulad ng Pacific Rim ni Guillermo de Toro o ang Transformer ni Michael Bay. Pinatunayan ni Alan Yuen na kayang makipagsabayan ng mga Hong Kong filmmakers pagdating sa pagpapasabog ng isang buong city.

Sumabog at ika nga ay blown up to smithereens onscreen ang Hong Kong. Kaya nga sa title di ba Firestorm, ipinakita talaga ni Alan Yuen sa kanyang directorial debut ang walang patid na fiery pyrotechnical spectacle, na nagtapos sa palitan ng putok gamit ang heavy artillery sa puso ng central business district ng Hong Kong.

Ang pelikula ay ipinalabas sa 2 formats, may 2D at may 3D. Kay kung talagang action junkie kayo pwede ninyong panoorin ito sa 3D para talagang ma-feel ang action scenes ng Firestorm.

Bigyang credit natin ang Action Director si Chin Ka-lok dyan kasi talagang pinagtuunan niya ang pagbuo sa mga eksenang ito.

Ok so high marks para sa action scenes, pagtuunan naman natin ang kwento.

Isang nakawan, armored car heist, ang nangyari at nasa likod nito si Cao Nan (Hu Jun) racketeer mula sa mainland. Para imbestigahan ang kaso binuo ni Inspector Lui (Andy Lau) ang isang team para hulihin ang gang na nasa likod ng krimen.

Ayon sa mga reviews, malabnaw daw ang substance ng kwento at nasapawan ito dahil sa dami ng mga pagpapasog at enkwentro sa pagitan ng mga cops ang robbers.

Mukha nga mapupuna na walang dating ang characterization at ang plot ay kulang sa lalim. Kaya tuloy marami ang nagsabi na ang Firestorm daw ay puro ingay lang at walang dating ang kwento.

Pero bawi naman ng ibang kritiko, kung gusto mo ng kwentong mas may emosyon drama ang panoorin mo. Dahil sa paanong paraan pa mas palalalimin ang classic na kwento ng cops-vs-robbers.

Oo nga tama kasi gaya ng huling pelikula ni Jackie Chan na Police Story 2013 may mga nag-comment na soapy na ang bandang huli ng story. Ang key element sa tingin ko pag dating sa mga action films at yung paraan kung paano tatalunin ng mga good guys ang bad boys sa pelikula. Hindi na yung sub-plots tungkol sa relasyon ng high-school buddies o kung ba't nya piniling maging magnanakaw kesa maging matinong tao na may desintenteng trabaho.

Ang dramatic pull ng Firestorm ang papel ni Bong (Gordon Lam), dating classmate ni Inspector Lui na naging informer at mole sa gang ni Cao. Bagong laya si Bong at yung girlfriend nitong si Bing (Yao Chen) ay umaasang magtitino na ito. So ang conflict ay nakaatang sa karakter ni Bong.

Sa kabila nito, ang Firestorm ay kabilang sa top grossing films dito sa China para sa taong 2013. After 25 days ng screening sa mainland, kumita ito ng 51 million US dollars. At nasa ika 10 pwesto sa talaan ng mga box office hits sa China para sa 2013.

Andy Lau promoted to become golden executive producer as after good box office taking in Mainland China and Hong Kong for Firestorm, when the film opened in Taiwan's cinema during New Year Eve, it became the box office champion in Taipei as it managed to collect NT$15 million after 2 days of screening in Taiwan, thus becoming the best Hong Kong police thriller in recent years.

Sa Taiwan, binasag ng Firestorm ang opening day record ng isa pang Hong Kong police thriller na Cold War na kumita lang ng NT$3.8 million kumpara sa NT$5 million ng Firestorm.

Sa Hong Kong's box office naman, noong Christmas holidays, nag-iisa ang Firestorm sa charts at ito ay nasa number one spot. Sa loob ng 3 araw ito ay kumita ng HK$7 million. At matapos ang isang linggo umabot sa HK$17 million ang kita nito.

Ito ang shocking sa lahat ng box office news, di umano ninakaw daw ang kita sa takilya ng Firestorm.

Ayon sa isang netizen na Andy Lau fan, naganap ang pagnanakaw ng kita sa takilya sa isang sinehan sa Xinjiang. Di umano, bumili sya ng tiket tapos nadiskubre nya na gamit ang bolpen, pinalitan ang title sa Firestorm pero ang orihinal na nakasulat ay Personal Tailor, pelikula ni Fengxiaogang. Nagalit ang fan na ito at nanawagan sa kapwa nya tagahanga na "Andy fans, let's stand up together!"

Sa showbiz di talaga maiiwasan ang intriga.

Si Inspector Lui (Andy Lau)

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>