Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Timeless Love

(GMT+08:00) 2014-02-17 17:26:53       CRI

Romance, Comedy, Drama, Action, Horror marami nang mga film genre ang nareview ng inyong movie buddy.

Kasama na dito ang Wu Xia at He Sui Pian mga genre na dito lang sa China meron.

Ay siyempre fantasy. Last film na nirebyu namin ay Detective Dee II a few weeks back. Ngayon subukan natin ang fantasy romance. Key word dyan fantasy… meaning malayong mangyari sa tunay na buhay. Parang Secret ni Jay Chou, love story pero may time travel na elemento.

Timeless Love ang tampok this week sa Pelikulang Tsino Nood Tayo. Starring dito ang Chinese actress na si Li Xiaolu at ang Singaporean actor na si Leon Jay Williams. At ang direktor nito ay si Shen Dong.

Na curious ang mga movie buddy kay Leon Jay Williams kasi wala siyang masyadong ingay na nililikha sa mundo ng showbiz sa Asia. Kaya nang i-google… siya pala ay actor, singer at model na naka base sa Taiwan. Bida siya sa movie na My Sassy Girl 2 at sa TV series na Zhang Xiao Wu's Spring nitong 2010.

Poging pogi at marunong umarte si Leon. Bagay na bagay sya sa papel na Sun Zhi Yang, isang student leader na aktibo sa pakikibaka para isulong ang Communist movement noong 1949 sa Tsina.

Makisig talaga at simpatiko sa kanyang pagganap bilang Sun Zhi Yang. Kaya kahit di kilala ang artistang ito ay nakaka-enganyong panoorin siya. Para na rin malaman kung paano nya gagampanan ang role ng isang freedom fighter / informer at youth leader. At sa tingin ng mga movie buddy pasado naman.

Si Xiao Lu naman ang pag-usapan natin. Sya si Su Lin, ang leading lady sa pelikulang Timeless Love. Kung si Leon ay nabuhay sa panahon ng revolution, si Su Lin naman comes from the future. History fanatic at idealistic. Sa tingin nya ang mga kabataan sa kanyang henerasyon ay nabubuhay ng walang mga ideals na ipinaglalaban. Dahil fascinated sya sa history, gusto nyang bumalik sa nakalipas para maranasan kung paano mabuhay sa panahon ng himagsikan.

Gaya ng sinabi namin sa simula fantasy ang pelikulang ito. Kaya bumalik nga sa nakaraan si Su Lin at nakita nya first hand ang ilang mahahalagang tagpo sa kasaysayan. Pero di naman malinaw na ipinaliwanag kung paano siya nag time travel. Loophole ng pelikula.

Sa simula magkasamang isinagawa nila Su Lin at Sun Zhi Yang ang mga misyon ng kanilang samahan. Pero nang lumaon lumitaw na may pagtingin si Su Lin sa kanyang idolo. Higit sa kagustuhang maranasan ang mga tagpo sa kasaysayan at maging bahagi ng Communist movement, naging pangunahing misyon ni Su Lin ang pag protekta kay Zhi Yang. Syempre when you tamper with history may repercussions ito. Pero di naman malalimang na explore ito sa pelikula. Ang focus lang ay ang transformation ng feelings ng dalawang bida.

May onscreen chemistry ba ang dalawang bida? Meron malakas nga e! Kaya tips sa mga moviebuddies, kung panonoorin ang Timeless Love, i-enjoy na lang ang kilig moments sa pelikula at wag nang masyadong i-analyze ang takbo ng istorya.

Tutok naman tayo sa Direktor ng pelikula na si Shen Dong. Bukod sa Timeless Love, naging Assistant Director din sya ni Han Sanping sa paggawa ng pelikulang Founding Of The Party. Bukod sa dalawang pelikulang nabanggit ginawa rin ni Shen Dong ang Death And Glory In Changde noong 2010 at On The Mountain Of Tai Hang noong 2005.

Mukhang forte ni Shen Dong ang historical films at war themed movies. Hanep ang production design ng pelikula, bagamat halatang sa film studio ito ginawa, ok ang costumes at ang mga lokasyon ay kawili-wili ring panoorin. At very youthful ang treatment ng pelikula. Para ka lang nanonood ng music video.

Sa Timeless Love obviously toned down ang sagupaan at bayolenteng mga eksena. Syempre as the title implies pokus talaga nito ang ang pagmamahalan ng dalawang tao na mula sa magkaibang panahon.

Si Li Xiaolu

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>