![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140217.m4a
|
Ang pelikulang Mongkey King 3D ay star studded dahil bida dito sina Donnie Yen, Chow Yun-Fat, Aaron Kwok at marami pang iba. Director nito si Pou-Soi Cheang at ang mga writers ay sina Kam-Yuen Szeto at Edmond Wong.
Kwento
Si Sun Wukong, (The Monkey King) ay isang monkey na ipinanganak mula sa isang heavenly stone at sya ay may angking supernatural powers. Matapos mag rebelde laban sa kalangitan sya ay ikinulong sa loob ng isang bundok sa loob ng 500 taon. Pero nakilala nya si Xuanzan, ang isang monghe at ng lumaya sumama sya rito papunta ng India para mangalap ng mga aral ng Budismo.
Ang pelikula ay bahagi ng trilogy of live action 3-D movies. Ang Monkey King 3D ay prequel na nagbahagi ng kapanganakan ni Sun Wukong at ito ay nagtapos sa kanyang pagkakakulong sa Five-Peaked Mountain dahil sa kanyang mga kasalanan.
Kung ang mga bansa sa kanluran ay may Iliad and The Odyssey o kaya Wizard of Oz, ang Tsina ay may Journey to the West na may mahalagang ambag sa Asian culture.
Sa isang interview, ibinahagi ng Producer ng pelikula na si Michael Wehrhahn ang kanyang kasiyahan sa tagumpay ng pelikula. Batay sa records ng IMAX ang Monkey King ang kasalukuyang may hawak sa pinakamalaking single-day gross sa Chinese box office noong Jan 31, opening day ng pelikula. Kumita ito ng $1.8 M at ipinalabas ito sa 140 IMAX na sinehan. Dagdag pa ni Wehrhahn, kumita ang pelikula ng $46 million sa 7 territories sa loob ng 3 araw. At patuloy pa ang pagtaas ng bilang nito dahil ipinalalabas pa ang pelikula sa mga sinehan sa buong Tsina.
Sikreto bakit hit ang pelikula?
Patok sa takilya ang pelikula dahil ang kwento ay malapit sa puso ng mga Tsino. Ito ay isang kwento na nagpasalin-salin na ng mga henerasyon. Bagamat isang folk legend na Tsino, ang diwa ng istorya ay maiintindihan ng mga dayuhang manonood. Taglay nito ang universal na themes tungkol sa good-vs- bad, kasakiman at maging pagmamahal.
Sa tatlong bida markadong markado ang papel ni Donnie Yen. Di nga sya makikilala dahil sa ganda ng prosthetics. Para naman sa mga mahilig sa pogi, abangan si Aaron Kwok – for the sole reason that he's -- hen shuai!!!! J Sobrang pogi pero sobrang bad din sa role nya bilang kontrabida! Rekomendado namin ang pelikula dahil ito ay isang pagkakataon para magkaroon ng kaalaman hinggil sa folk legends ng Tsina. At ang pelikula ay very hi-tech nakakabilib ang fx at malinis ang cg. Kaya tiyak na mag eenjoy ang buong pamilya. Inaabangan ang English version nito at sana ay mapanood sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |