Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tagumpay ng Pelikulang Tsino sa Berlin Film

(GMT+08:00) 2014-02-25 16:43:29       CRI

Last week of February na at sa movie world pinag-uusapan ang isa sa pinakasikat na at respetadong film festivals sa buong mundo. Ito ay walang iba kundi ang Berlin International Film Festival.

Ipininid na ang 64th Berlinale at sa awarding ceremonies nito big winner ang pelikulang Tsino. This festival is one of the oldest and most prestigious film showcases in the world. 400 pelikula ang ipinalabas sa loob ng 11-araw ng pestibal, 23 sa mga pelikilang ito ay kabilang sa competition category.

At bukod sa film screenings, ang Berlinale ay nag-aalok din ng pagkakataon para sa maraming film industry professionals para magtatag ng ugnayan dahil dumadalo dito ang 20,000 professional visitors from 124 countries, including around 3,700 journalists.

Nagbubunyi ang Chinese film industry sa tagumpay na natamo ng Chinese artists sa 64th Berlinale. Congratulations sa mga taong nasa likod ng pelikulang Bai Ri Yan Huo (Black Coal, Thin Ice). Napanalunan ng pelikulang Black Coal, Thin Ice ang Golden Bear for Best Film, top jury prize sa 64th Berlin International Film Festival noong ika 15 ng Pebrero.

Si Liao Fan na gumanap sa papel na Detective Zhang ang nanalo ng Silver Bear for Best Actor. At Napanalunan din ng Chinese cameraman na si Zeng Jian ang Silver Bear for Outstanding Artistic Achievement para sa camera work ng "Blind Massage"

Walo katao ang bumubuo ng jury ng awards. Ngayong taon walang iba kundi ang American director at producer na si James Schamus ang jury head. Kilala sya bilang producer ng Brokeback Mountain.

Ang Black Coal, Thin Ice, pelikula ni Diao Yinan, ay isang thriller na naganap sa coal mine sa Northern China. 1999 sa minahan, natuklasan ang isang bangkay. Habang isinasagawa ang imbestigasyon nito ilan pang mga pulis ang nagbuwis ng buhay. Isang pulis lang ang nabuhay siya si Detective Zhang (Laio Fan).

Limang taon makalipas, muling naganap ang serye ng pamamaslang na di tukoy kung sino ang may kagagawan. Sa kanyang pagiimbestiga, natuklasan ni Detective Zhang na ang lahat ng biktima ay konektado kay Wu Zhizhen (Gwei Lun Mei), isang babaeng nagtratrabaho sa dry cleaners. Pero naging kumplekado ang kwento dahil na-in love si Detective Zhang sa prime suspect nito. Isang araw sa taglamig, karumaldumal ang natuklasan ni Detective Zhang.

Ayon kay Tim Robey kolumnista ng The Telegraph ang plot ay mahirap pagtagni-tagniin. Kailangan pang ulitin ang panonood para lubos itong maunawaan. Ngunit sa estetikong punto de vista, ang pelikula ay isa mga nakatatawag pansin sa Berlinale. It's a near abstract stunner, ika nga niya.

Narito ang ilang quoates sa kanyang review "Standout sequences include mesmerising shots of the characters stalking each other around an ice-rink. Pervading the whole film is a sense of threat in the neon night, of deadly mysteries around every corner. This prize is exactly what it needs to find an audience willing to play along."

Si Liao Fan ang gumanap sa papel ng Detective Zhang ang nanalo ng Silver Bear for Best Actor. At kasama nya sa cast si Lun Mei Gwei at si Xuebing Wang.

Si Director Diao ay graduate ng China's Central Academy of Drama noong 1992 at siya ay gumawa ng ng dalawang pelikula "Uniform" noong 2003 at "Night Train" noong 2007. Ang Night Train ay nag premier sa Cannes Film Festival.

Ang "Black Coal, Thin Ice", ay isa sa 20 pelikulang lumahok sa Gold Bear. Ang pelikula ay nag world premier din sa 64th Berlinale.

Sa seremonya ng paggawad ipinahayag ni Diao ang pasasalamat sa mga kasamahang lumikng ng pelikula at sinabi na " Ang gawad ng ito ay para sa akin, sa aking kagiliw-giliw na team at maging sa pelikula mismo. Ayon sa BBC report : "It's really hard to believe this dream has come true," a stunned Diao Yinan, director of the winning film, told the festival audience.

Si Liao Fan

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>