|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
4 na malalaking bell peppers
Kalahating puswelo ng pulang sibuyas (tinadtad nang pino)
Kalahating puswelo ng pulang sili (tinadtad nang pino)
2 kutsara ng olive oil, asin at pamintang itim
1/4 na puswelo ng sariwang kutsay (chives), tinadtad nang pino
2 puswelo ng niligis na patatas
2 puswelo ng tomato sauce
Paraan ng Pagluluto
1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees.
2. Hiwain ang bell peppers sa ibabaw, doon sa gawing ibaba ng tangkay para magmukhang parang tasa tapos tanggalin iyong mga buto pati mga gulugod.
3. Maingat na pakuluan ang bell peppers sa loob ng limang minuto tapos alisin at itaob para maalis ang tubig sa loob.
4. Igisa ang sibuyas at pulang sili sa mantika hanggang sa lumambot ang sibuyas.
5. Lagyan ng asin, paminta at kutsay o chives at ihalo sa niligis na patatas.
6. Ipalaman sa bell peppers ang niligis na patatas.
7. Itayo ang bell peppers sa malalim na kaserola tapos ibuhos ang tomato sauce sa ilalim ng kaserola.
8. Takpan ang kaserola at ihurno ang bell peppers sa init na 350 degrees sa loob ng 20 minuto.
9. Alisan ng takip at ituloy ang paghurno sa loob pa ng limang minuto.
10. Isilbi habang mainit.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |