![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140320.m4a
|
Matapos maghintay ng maraming taon, nakuha rin ng pelikulang No Man's Land ang go signal ng film body ng Tsina at ito ay ipinalabas last year. Ang action thriller road movie ni direk Ning Hao ay kumita ng US$ 3.5 M sa opening day nito.
2010 natapos ang filming ng movie pero 2013 ito naipalabas sa China. Itinuturing kasing "edgy" ang pelikula batay sa Chinese Standards kaya naghintay ito ng 3 at kalahating taon bago ipalabas sa mga sinehan dito sa mainland.
Ang kwento ng pelikula ay tungkol kay Pan Xiao, isang abogado (Xu Zheng) na napadpad sa disyerto ng Xinjiang. May hinawakan siyang kaso, isang car accident. Pero mas malalim pa ang kwento dahil cover-up lang ito sa kaso ng illegal trade of endangered animals.
Samu't saring mga karakter ang nag krus sa landas ni Pan Xiao, mga falcon poachers (Huang Bo at Duo Bujie ), prostitute (Yu Nan) mag kapatid na truck drivers at mag-amang merchants na di nagdadalawang isip na gumamit ng dahas para makapag higanti.
Ang pelikula ay hitik sa mga elemento ng Chinese mythology, American western at modern comedy.
Sa pelikula may linya si Pan Xiao "People are capable of doing anything when they are in extreme danger. It's called animal instinct." At naipakita nga ito sa pelikula. Ang pelikula ay tungkol din sa kasakiman ng mga tao. At ang pagbale wala nila sa batas para sa kanilang mga pangangailangan.
Hindi agad nagustuhan ng mga censors ang No Man's Land dahil ayon sa isang artikulo, wala itong saysay o "trashy" at di maganda ang pagpapakita sa pamumuhay ng mga taong hikahos.
Pero ayon sa mga executives ng DMG, producer ng pelikula. Mukhang naging bentahe ang paghihigpit ng film censors. Inasahan nila ang ganitong reaksyon kaya handa silang maghintay. At dahil dito napagtuunan nila ang isang proyekto na ang hangad ay mabigyan ng kasiya-siyang pelikula ang mga manonood. At mukhang nasabik ang mga movie fans sa paghihintay kaya nang ipalabas ito pumatok talaga sa takilya.
Ang No Man's Land ay isa sa tatlong pelikulang Tsino na lumaban sa 64th Berlin International Film Festival. Pero tinalo ito ng Black Coal Thin Ice para sa Golden Bear. Di na bale, dahil mula naman sa US$ 3.3 M budget, kumita naman ang pelikula ng US$ 42.6M
Ang mga bida sa No Man's Land ay napanood na namin ni Andrea sa mga pelikulang Crazy Stone, Lost on Journey, Lost in Thailand… ang lahat ng mga ito ay blockbusters at lahat ay comedy.
Pero sa movie na ito sina Huang Bo at Xu Zheng ay talagang "got into character."
At si Ning Hao naman ay talagang mahusay sa pelikulang ito na pinantayan naman ng galing ni Du Jie bilang cinematographer. Nakakabilib ang opening panorama, yung nighttime canyon chase at yung huling shot ng ghostly frontier town. Pagdating naman sa musika, wagi Sino Western score ni Nathan Wang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |