![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
祝zhù你nǐ生shēng日rìi快kuà乐lè 干gān杯bēi!
20140402aralin3day1
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, mga giliw na tagasubaybay! 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn)。Matagal na tayong hindi nagkita. Kumusta kayo? Haliyako't samahan ninyo kami muli sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino.
Sa araling ito, ang mga pangunahing punto na matututunan natin ay ang mga sumusunod:
Tagay!
1.祝zhù你nǐ生shēng日rì快kuài乐lè!Maligayang kaarawan sa iyo!
2.干gān杯bēi!Tagay!
3.你nǐ的dediàn电huà话háo号mǎ码shì是duō多shǎo少?Ano ang numero ng telepono mo?
Sa pagkakataong ito, dadalo tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan.
Sa Filipino, bumabati tayo ng "Maligayang Kaarawan" kapag dumadalo tayo sa isang pagdiriwang ng kaarawan. Sa wikang Tsino, maari mong sabihing
祝zhù你nǐ生shēng日rì快kuài乐lè! Maligayang Kaarawan sa iyo.
祝zhù, salitang Tsino na ginagamit sa pagpapahayag ng magandang hangarin.
你nǐ, iyo, ka, ikaw.
生shēng日rì, kaarawan. Ang 生shēng ay nangangahulugang kapanganakan at ang日rì naman ay petsa. Kaya kung pagsasamahin ay petsa ng kapanganakan o kaarawan.
快kuài乐lè, maligaya. Kapuwa ang 快kuài at乐lè rito ay nangangahulugang maligaya.
At ang isa sa mga sagot dito ay 谢(xiè)谢(xiè) na natutunan na natin noong nakaraan.
Kadalasang hindi nawawala ang inuman sa pagtitipon para ipagdiwang ang ating kaarawan. Sa Filipino sinasabi nating "Tagay." At sa wikang Tsino, ito ay:干gān杯bēi.
干gān, saidin o ubusin.
杯bēi, baso ng alak.
Maaring ganoon din ang sagot sa干gān杯bēi, ibig sabihin, maaring ulitin mo lang ito.
| ||||
v Balikatan, sinimulan na 04-20 18:25 |
v Mamamayan, humiling na magkaroon din ng quo warranto case laban kay Associate Justice De Castro 04-20 18:24 |
v Inflation mas mataas sa unang tatlong buwan ng 2018 04-20 18:22 |
v Mga giant panda, nag-enjoy ng sikat ng araw sa tagsibol 04-20 17:25 |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |