Bagong komunidad, ipinangalan kay Pope Francis
ISANG bagong komunidad ng mga nasalanta ni "Yolanda" ang itinatayo at ipapangalan kay Pope Francis na naglalarawan ng bagong pag-asa.
Tinustusan ng Xavier School at Educational Research and Development Assistance (ERDA) Group, ang Pope Francis Gawad Kalinga (GK) Village sa Ticad, Bantayan, Cebu ay nagkaroon ng groundbreaking noong Linggo, ika-30 ng Marso.
Sa mga itinatayong mga tahanan maninirahan ang mga biktima ni "Yolanda" na ang tanging kapital sa pagtatayo ng tahanan ay kanilang panahon, lakas at pawis. Magmumula ang mga benepisyaryo sa iba't ibang pook na nasalanta ng bagyo.
Magtutulungan ang mga benepisyaryo sa ilalim ng tradisyong "bayanihan". Magkakaroon ito ng 45 tahanang nagkakahalaga ng tig-P150,000 bawat isa. Sagot ng Xavier School ang 30 samantalang ERDA group naman ang tumustos sa 15.
Pinamunuan ni Fr. Aristotle Dy, rector ng Xavier School at Fr. Bienvenido Nebres, SJ dating pangulo ng Ateneo ang Misa sa groundbreaking ceremonies. Naroon din si Xavier School Treasurer Edison Sian.
1 2