Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kumpirmadong Abu Sayyaf ang nasa likod ng kidnapping

(GMT+08:00) 2014-04-04 18:58:12       CRI

Kumpirmadong Abu Sayyaf ang nasa likod ng kidnapping

PILIPINAS AT MALAYSIA NAGTUTULUNGAN; MGA OPERATIBA KUMILOS NA.  Sinabi ni DFA Spokesperson Asst. Secretary Charles Jose na nagtutulungan na ang Pilipinas at Malaysia upang malutas kaagad ang pinakahuling kidnapping sa Sabah kamakalawa ng gabi.  Nagtutulungan na rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa paghahanap sa mga Abu Sayyaf Group sa Basilan-Sulu-Tawi-Tawi (BASULTA) area.  (File Photo/Melo Acuna)

ISANG Marcelita M. Dayawan, 40 taong gulang ang kasamang nadukot sa isa na namang kidnapping incident na kagagawan ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Assistant Secretary at Spokesperson Charles Jose, iniulat ni Philippine Ambassador to Malaysia, J. Eduardo Malaya kay Kalihim del Rosario, isang tauhan ng embahada ang ipinadala sa Sabah kanina at nakipag-usap na sa mga pulis sa Semporna.

Nakuha ng kawani ng Embahada ng Pilipinas sa mga pulis ang pangalan ng biktima na manggagawa sa Singamata Resort.

Nakausap na ng mga opisyal ng embahada ang mga kamag-anak ni Bb. Dayawan at tinutulungan na sila.

Magkasama ang mga tauhan ng Pilipinas at Malaysia sa paghahangad na madaling malutas ang panibagong pagdukot.

Ani Ambassador Malaya, patuloy silang umaasa at nagdarasal na madaling matapos ito sa ligtas na pagkakabalik ng mga biktima sa kanilang mga pamilya.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>