Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malasa at Masustansiyang Sweet Corn Soup

(GMT+08:00) 2014-04-10 15:54:57       CRI

Mga Sangkap

1 chicken drumstick

1 chicken stock cube

4 na tasa ng tubig

1 lata ng creamed sweet corn soup (440 grams)

2 dried black mushrooms, ibinabad at ginayat nang pino

1 kutsarita ng light soya sauce

2 spring onions, tinadtad

Asin at puting paminta (depende sa kailangan ng panlasa ang dami)

2 kutsara ng cornflour

¼ cup ng malamig na tubig

30 gramo ng lutong crabmeat at

1 itlog (binati)

Paraan ng Pagluluto

Pakuluan ang chicken drumstick hanggang sa lumambot. Huwag itatapon ang pinagpakuluang tubig. Hanguin ang manok at himayin ang laman.

Ihulog ang stock cube sa tubig. Hayaang kumulo ang tubig hanggang sa matunaw ang cube.

Ilagay ang sweet corn, mushrooms, soya sauce at kalahating dami ng spring onion. Ilaga sa loob ng 2 hanggang 3 minuto tapos lagyan ng asin at puting paminta ayon sa panlasa.

Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng mixture of cornstarch and water at ilaga sa loob ng 2 minuto.

Ilagay ang manok at crabmeat at hayaang mainitan nang husto.

Bago isilbi, ilagay ang binating itlog habang patuloy itong hinahalo tapos ibudbod ang natitirang spring onion.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>