Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

From Vegas to Macau

(GMT+08:00) 2014-04-13 10:14:38       CRI

Much awaited ang movie na ito dahil kay Chow Yun Fat. Sino ba naman ang di nakakikilala sa international superstar na ito? Nagsimula ang kanyang career sa Hong Kong. At kilala siya sa Hollywood dahil sa Crouching Tiger Hidden Dragon.

Dito naman sa Asia sikat ang mga collaboration nila ni John Woo tulad ng A Better Tomorrow, The Killer, Hard Boiled at marami pang iba. Madalas siyang gumagawa ng mga dramatic films at nanalo na siya ng three Hong Kong Film Awards for "Best Actor" and two Golden Horse Awards for "Best Actor" in Taiwan.

KWENTO

Isang pamilya ng con artists - old-timer na si Benz (Benz Hui), kanyang anak na si Cool (Nicholas Tse) at pamangking si Karl (Chapman To) – pwede silang tawaging mga modern-day Robin Hoods at pumunta sila sa Macau para sa birthday party ng kaibigang si Ken (Chow Yun Fat). Si Ken ay may anak, si Rainbow at nabighani sa ganda ni Rainbow (Kimmy Tong) sina Karl at Cool.

Samantala sa Hong Kong, ang stepbrother ni Cool na si Lionel (Philip Ng) – ay isang sikreta na nagmamanman sa isang sindikatong pinatatakbo ni Mr Ko (Gao Hu). Habang tumatakas sa mga bad guys itinago ni Lionel ang ebidensya sa loob na giant teddy bear na napasakamay ni Rainbow.

Big fish sa mafia world si Mr. Ko kaya pati si Detective Lorraine Lok (Jing Tian), ay nag undercover na rin para mapasok ang sindikato ni Ko.

Isang patibong ang inilatag nila sa tulong ni Ken kung saan maglalaro sila ng baraha. Dito na nagsimula ang action, comedy at labu labong elemento ng gambling film na ito na dinirehe at isinulat ni Wong Jing.

PAGTALAKAY

Si Wong Jing ay higit 30 taon nang aktibo sa showbiz. Tatak niya ang mga pelikulang tungkol sa gambling. Ang pelikulang "From Vegas to Macau" ay nagtatampok ng mga new characters at original ang storyline, pero dahil kasama sa cast si Chow Yun Fat di tuloy makakawala ang pelikula sa naunang mga pelikula ni Wong na "God of Gamblers" trilogy na ipinalabas noong dekada 90.

Pero ang pokus ngayon sa pelikulang From Vegas to Macau ay hindi na ang paglalaro ng baraha at kung sino ang mananalo rito, kundi ang tunggalian sa panig ni Mr. Ko at ang grupo ni Ken.

Gaya ng inaasahan, ang mga action scenes ay nachoreograph ng maayos at malinis ni Nicky Lee Chung-chi and Wong Wai-leung. Malaki rin ang ambag ng martial arts skills ni Zhang Jin, epektibo siya bilang bad guy.

Iba ang appeal ng gambling films at iba ang excitement na dulot ng conflict nito. idinagdag pa ang katatawanan na epektibong ipinakita ng mga karakter ng pelikula. Pero ang humour nito ay pwedeng di pumatok sa ibang mga bansa sa labas ng Asia.

Sa kabila ng kanyang edad, nakayanan pa rin ni Chow Yun Fat ang mga action scenes sa pelikula. Syempre di pwedeng mawala ang tatak Chow Yun Fat na charm kaya bumagay siya sa role na Ken. Habang si Nicholas Tse naman ang poging panghatak ng fans at di naman nagkulang sa kanyang papel bilang Cool.

Mafia movie na parang Oceans 11 ang dating ng From Vegas to Macau. Pero may mga ilang bagay na parang corny at palasak na tulad ng paggamit ng truth serum, metal playing cards na ginamit ala ninja-stars, yung camera sa loob ng kuko para mandaya at syempre and mala-Lara Croft na stunt ni Rainbow.

Sa kabuuan ang From Vegas to Macau ay isang pelikulang de-kalidad na pinagsama ang live action, CGI at animation. Di ito nagkulang sa action at tama tama ang bato ng mga patawa. At ang cast ay naka-ambag ng malaki sa tagumpay ng pelikula.

Si Chow Yun Fat

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>