Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Badges of Fury

(GMT+08:00) 2014-04-20 16:24:40       CRI

Badges of Fury kapag narinig iisipin mong talagang all out action movie ito. Pero hindi dahil sa tingin ko 50% comedy 50% kung fu film ito. Napaka light at napaka slapstick.

Sa pelikula naganap ang serye ng mga "Smile Murders." Ito'y inimbistigahan ng mga pulis na kinabibilangan nila Michelle Chen, Wen Zhang at Jet Li. Hindi ito siryosong pelikula. Talagang comedy ang naging paraan ng kanilang pag-solve ng kaso.

At ang action ay mainly ginawa ni Wen Zhang, pero kapag nagiging kumplikado na ang sitwasyon papasok na si Jet Li para ipakita na kahit matanda na siya at malapit nang mag retiro, ay may ibubuga pa siya pagdating sa paglaban sa mga villains.

Si Wen Zhang at si Jet Li ay nakapag trabaho na sa pelikulang Ocean Heaven. Kaya ramdam sa pelikula na kumportable sila sa isa't isa at andun ang rapport.

Si Michelle Chen naman ay surprising sa kanyang role bilang Supervisor nila Jet Li at Wen Zhang. Pwede pala siyang magpatawa at bagay sa role na straight bookish cop.

Maraming mga elementong Tsino sa pelikulang ito. Kasi talagang di maitatanggi na core ng pelikula ang ilang mga markadong mga katangian na talagang sa Chinese films lang makikita tulad ng:

1. Kung Fu

2. Acupuncture

3. Ba Gua, sumpa at kulam

Sa witty script ni Carbon Cheung, same screenwriter na naghatid sa atin ng A Chinese Ghost Story, isinama niya ang mga funny lines na gaya ng pagbanggit sa mga movies na pinagbidahan ng stars ng Badge of Fury. Gaya ng mga lumang movies ni Jet Li at ni Wen Zhang. Meron ding mga cameo ng mga sikat na Chinese stars Josie Ho, Wu Jing at Tong Dawei.

Ang pelikula ni Wong Tsz Ming na Badges of Fury ay magaan panoorin. Siguruhing ito ay panonoorin hanggang sa credits dahil nakakatawa rin ang ang mga outtakes. Di man original concept ang paglalagay ng mga NG sa credits pero ok pa rin dahil makikita mong lahat ng mga artista ay nag enjoy sa kanilang paggawa ng Badges of Fury. At sana ay mag-enjoy rin kayo sa panonood ng pelikulang ito.

Rating: Mac 8 / Andrea 8.5

Si Wen Zhang

Si Jet Li

Si Michelle Chen

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>