|
||||||||
|
||
melo/20140421.m4a
|
KARAGDAGANGA PAGGASTA SA PAGAWAING-BAYAN TINIYAK. Sinabi ni Socio Economic Planning Secretary at NEDA Director General Arsenio M. Balisacan (gitna) na pipilitin ng pamahalaang maging 5% ng GDP ang magmumula sa paggasta sa mga pagawaing-bayan upang higit na sumigla ang kalakal at ekonomiya ng bansa. (File Photo ni Melo Acuna)
MAGKAKAROON ng mas malaking paggasta ang pamahalaan sa larangan ng lipunan at pagawaing-bayan. Ito ang pagtiyak ng National Economic and Development Authority sa First High-Level Meeting of the Global Partnership for Effective Development Cooperation.
Sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan sa pulong na idinaos sa Mexico noong ika-15 ng April na ito'y ayon sa Philippine Development Plan mula 2011 hanggang 2016 Midterm Update.
Layunin ng paggasta sa mga pagawaing-bayan na madagdagan pa ito upang makinabang ang mahihirap sa pagpapagawa at pag-aayos ng mga lansangan at tulay, mapayabong ang mga tourist spots at masuportahan ang mga patubig.
Ang karagdagan paggasta ay inaasahang makararating sa 5% ng gross domestic product pagsapit ng 2016 tulad ng nilalaman ng Updated Philippine Development Plan.
Tiniyak ni Kalihim Balisacan na may serye ng repormang ipinatutupad sa larangan ng pananalapi at sa pagpapatakbo ng mga pamahalaang lokal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |