Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga banyaga, patuloy sa pagtulong sa mga biktima ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2014-05-05 19:39:00       CRI

Special Report

Mga banyaga, patuloy sa pagtulong sa mga biktima ni "Yolanda"

PAGTUTULUNGAN NG MGA BIKTIMA, NGOS AT LOKAL NA PAMAHALAAN, LITAW SA BASEY, WESTERN SAMAR. Ito ang sinabi ni Richard Sandison, ang Emergency Response Manager ng Plan International sa pagdalaw ng mga mamamahayag sa kanilang barangay. Nagtayo sila ng mga tahanan para sa mga nasalanta at nagkaroon ng unconditional cash transfer, food for work programs. (Melo M. Acuna)

TAHANAN PARA SA MGA NASALANTA, ITINATAYO NA. Makikita ang tahanang pinagtutulungan ng mga taga-barangay na itinatayo para sa mga nasalanta ni "Yolanda" noong Nobyembre sa Western Samar. Pagtutulungan ng pamahalaang lokal, international NGOs at mga biktima ang susi sa programa. (Melo M. Acuna)

HUMEDICA, MAGLILINGKOD HANGGANG SETYEMBRE. Naglilingkod na ang huling koponan ng mga manggagamot mula sa Humedica, isang NGO na may tanggapan sa Alemanya. Ayon kay Bb. Andrea Rudin, (nasa larawan), nagsimula silang maglingkod noong ika-10 ng Nobyembre 2013. May pakikipagtulungan sila sa isang pagamutan at dumadalo sa medical requirements ng mga biktima. (Melo M. Acuna)

IBA'T IBANG bansa ang pinagmulan ng mga tumutulong sa mga biktima ni "Haiyan" na kilala sa pangalang "Yolanda" mag-aanim na buwan mula ng lubhang mapinsala ang gitnang bahagi ng Pilipinas.

Kabilang sa mga tumutulong sa mga biktima si David Sevcik, ang head of office at technical assistant for the Philippines ng European Commission. Sa aking panayam, sinabi ni G. Sevcik na isang magandang karanasan para sa kanya ang makasalamuha ang mga punongbayan, punongbarangay at mga biktima kaya't tiyak na maganda ang kanilang pagtutulungan kung paano mai-aangat ang mga komunidad sa kahirapan.

Malayo umano ang kanyang karanasan sa Pilipinas sa mga bansang kanyang pinaglingkuran mga ilang taon na ang nakalilipas.

Para kay Richard Sandison, ang Emergency Response Manager ng Plan International, ibayong pagtutulungan ng mga biktima at ng mga punongbayan ang nagpagaan sa kanilang palatuntunan tulad ng unconditional cash transfer at food for work sa Barangay San Antonio, Basey, Western Samar. Kabilang sa kanilang mga beneficiaries ang mga matatandang kababaihang namumuhay na lamang ng mag-isa.

Sa Barangay San Miguelay, Sta. Fe, Leyte, sinimulan ng Action Against Hunger ang kanilang Water, Health and Sanitation projects sa pagtatayo ng mga palikuran at mga malinis na pagkukunan ng tubig. Nagkaroon din ng pagsasanay sa mga mag-aaral na maghugas ng kamay.

Itinaguyod naman ng International Organization for Migration ang operasyon ng bunkhouses sa diversion road ng Tacloban City. Kilala ang pook bilang Baibaan Motocross Bunk House na kinalalagyan ng may 528 na pamilya o 2358 katao mula sa tatlong barangay ng Tacloban City na pawang nasalanta ng daluyong. May 37 gusali sa loob ng compound.

Ayon kay Agnes Bugal ng DSWD, pawang mula sa "no build zones" ang mga naninirahan sa bunk houses. Kasama ang mga taga-IOM at kanilang mga duktor na naglilingkod araw-araw at suportado ng mga taga-Humedica, isang non-government organization mula sa Alemanya. Naglilingkod sila kada Martes at Biyernes sa mga nasalanta ni "Yolanda."

Samantala, sinabi ni Andrea Rudin, isang Swiss national na naglilingkod sa Humedica ng Alemanya na maganda ang kanilang pagtutulungan ng Mother of Mercy Hospital sa Tacloban City.

Si Bb. Rudin ay kabilang sa huling koponan ng mga manggagamot mula sa Alemanya na mananatili hanggang Setyembre. Dumating ang kanilang unang koponan noong ika-10 ng Nobyembre, dalawang araw matapos humagupit si "Yolanda" sa Tacloban City at mga kalapit pook.

Bukod sa panggagamot, nagsasagawa sila ng medical missions sa loob at labas ng Tacloban City. Ayon kay Bb. Rudin, unang dinaluhan ng kanilang mga kasama ang mga sugat na natamo ng mga biktima mula sa mga pako, yerong lumipad at iba pa. Napuna rin nila ang mga karaniwang sakit dulot ng hypertension, tuberculosis at iba pa.

Bagaman, nasa transition phase na ang operasyon sa mga biktima ni "Yolanda" sapagkat nasa rehabilitation phase na.

Isang magandang karanasan para sa kanilang grupo ang maglingkod sa mga pinakanamimiligrong mga mamamayan.

Idinagdag pa ng medical volunteer na unti-unti na nilang ibinabalik sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga may kaamdaman. Layunin nilang tulungan ang mga manggagamot na daluhan ang pangangailnagan ng pinaka-vulnerable na kalagayan.

Tumanggi si Bb. Rudin na sabihin kung magkano na ang nagastos sa paglilingkod sa mga nanagangailangan sapagkat may mga donasyon naman sila mula sa European Union.

Ito umano ang kanyang unang assignment para sa Humedica.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>