Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabago ng Saligang Batas, higit na magdudulot ng kahirapan

(GMT+08:00) 2014-05-15 18:41:24       CRI

NANINIWALA ang isang think-tank group na hindi na magdudulot ng kaunlaran sa mga mamamayan sa oras na baguhin ang ilang probisyon ng Saligang Batas.

Ayon sa Ibon Foundation, hindi magaganap ang malawakang kaunlaran sa oras na alisin ang regulasyon sa mga investment ng mga banyaga sapagkat mawawala ang economic sovereignty.

Sa isang pahayag ng Ibon, sinabi nila na maiiwasan ang development-oriented policy-making na magdudulot na mas maraming walang hanapbuhay at kahirapan. Higit na darami ang mga walang trabaho at mahihirap ng Filipino.

Ginawa nila ang pagsusuri matapos sabihin ni (House) Committee on Constitutional Amendments Chairperson Congresswoman Mylene Albano na magiging dahilan ng inclusive growth kung magkakaroon ng charter change.

Ang mga babaguhing probisyon sa Saligang Batas ay mula sa mga isinusulong ng mga grupong tulad ng Joint Foreign Chambers of Commerce, ang pag-aalis ng limitasyon sa pag-aari ng mga banyaga sa mga lupain ng Pilipinas at maging sa strategic enterprises.

Higit na magiging maimpluwensya ang mga banyaga sa ekonomiya at sa mga sektor ng edukasyon, public utilities, mass media, advertising at land ownership.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>