Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Enhanced Defense Cooperation Agreement, nararapat dumaan sa Senado

(GMT+08:00) 2014-05-19 17:55:15       CRI

NANINIWALA sina Senador Grace Poe at dating Senador Leticia Ramos Shahani na dapat lamang dumaan sa Senado ang nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement upang higit na lumiwanag ang mga isyung napapaloob dito.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, niliwanag ni Senador Poe na isa sa mga isyung 'di maliwanag sa kanya ay ang pagpapanagot sa mga magkakamaling mga kawal Americano tulad ng naganap kay Lance Corporal Daniel Smith na nanghalay sa isang Pilipina ilang taon na ang nakalilipas.

Idinagdag ni Senador Poe na bagama't nagpapasalamat siya sa suporta sa Pilipinas ng mga kaibigang bansa tulad ng America, nararapat lamang maghanda ang Pilipinas na harapin ang mga suliranin ng bansa at pagi-isipan kung anong higit na makabubuti sa bansa at mga mamamayan.

Wala umanong paghahanda ang Pilipinas kung ano ang gagawin pagkatapos ng arbitration. Makabubuti umanong maghanda ang pamahalaan sa mga nararapat gawin anuman ang kalabasan ng arbitration. May kinabukasan ang diplomasya, dagdag pa ng mambabatas.

Binigyang-diin ni Senador Poe na walang sinumang naghahangad ng digmaan sa panahon ng globalized economy. Umaasa at bawat bansa sa kapwa bansa sa kaunlaran ng kani-kanilang ekonomiya.

Kung mayroon daw na pagtutol sa EDCA, wala umanong nararapat sisihin kungdi ang sarili sapagkat ang mga pinuno ng bawat bansa ay may responsibilidad na ipagtanggol ang balana ayon sa interes ng bansa.

Ayon kay Senador Shahani, natagalan siyang maipasa ang batas hinggil sa panghahalay kaya't ipinagpasalamat niya na binigyang-pansin ni Senador Poe ang isyung ito.

Ginunita ni Senador Shahani ang papel na ginampanan ng "Magnificent 12", ang lupon ng mga senador na bumotong tapusin na ang pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas. Makasaysayang bahagi ito ng bansa, dagdag pa ni Senador Shahani sapagkat napatunayan ng mga Pilipinong may buhay pa at higit na umunlad ang mga dating base military pag-alis ng mga Amerikano noong dekada nobenta.

Para kay retiradong Commodore Rex C. Robles, may pananagutan ang mga Pilipinong nagpabaya sa mga pagkakataong nararapat sana'y pinakinabangan ng Pilipinas ang pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nagbigay umano ang Estados Unidos ng kung anu-aong benepisyo sa mga kaalyadong bansa tulad ng Poland at Israel subalit walang napala ang Pilipinas.

Ani Commodore Robles, kung interoperability ang pag-uusapan, tiyak na maiiwanan ang Pilipinas sapagkat maglalaway lamang ang mga kawal Pilipino sa mga makabagong sandata ng Estados Unidos.

Naniniwala rin siya na hindi magkakabarilan ang mga Americano at Tsino sa South China Sea.

Ito rin ang pananaw ni Dr. Temy Rivera, Chairman of the Board ng Center for People Empowerment in Governance na may pag-asa pa sa pagsasagawa ng bilateral talks sa Tsina sa pamamagitan ng pormal at 'di pormal na paraan.

Sa larangan ng Foreign Policy, sinabi ni Gng. Shahani na marapat lamang ituon ng Pilipinas ang pansin nito sa pangmatagalang panahon at kilalanin ang katuturan ng kasabihang "There are no permanent friends, only permanent interests" sapagkat sa ganitong paraan, higit na lalawak ang pananaw ng bansa sa sigalot sa South China Sea.

Ipinagtataka rin niya kung bakit hindi nakatutugon ang pamahalaan sa pangangailangan ng tanggulang pambansa.

Idinagdag pa ni Senador Grace Poe na makatutulong din ang Enhanced Defense Cooperation Agreement sa oras na tumama ang anumang kalamidad sa bansa.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>