Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Yudhoyono, dadalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-05-20 18:45:35       CRI
Pangulong Yudhoyono, dadalaw sa Pilipinas

ISANG state visit ang gagawin ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono mula sa Huwebes hanggang Biyernes sa paanyaya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III noong ika-lima ng Enero 2012.

Dadalo siya sa World Economic Forum on East Asia sa Huwebes at gagawaran ng Global Statesmanship Award at sasaksi sa official turn-over sa Indonesia ng pangangasiwa sa 24th WEF-EA sa susunod na taon.

Sa Biyernes, mag-uusap sila ni Pangulong Aquino at paksa nila ang mga isyung namamagitan sa dalawang bansa kabilang ang political, defense and border, maritime, economic at socio-cultural cooperation. Gagawaran din siya ng Order of Sikatuna na may ranggong Raja sa State Dinner na isinaayos ng Pilipinas.

Ang Indonesia ang ika-13 major trading partner ng Pilipinas noong 2013 na may US$ 3.512 bilyon. Mayroong 9,844 na Filipino na Indonesia. Ang 2014 ang ika-65 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Ito ang unang bilateral visit ni Pangulong Yudhoyono sa Pilipinas mula noong manungkulan siya noong 2004 at 2009. Dumalaw si Pangulong Aquino sa Indonesia noong ika-7 hanggang ika09 ng Marso, 2011.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>