Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikipag-usap sa Tsina, napapanahon

(GMT+08:00) 2014-05-26 19:09:24       CRI

Mga dating mambabatas, nagpetisyon sa Korte Suprema hinggil sa EDCA

DALAWANG dating senador na bumoto sa pagpapatalsik ng mga base militar sa Pilipinas noong dekada nobenta ang dumulog sa Korte Suprema na pawalang saysay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Umabot sa 65 pahina ang kanilang petisyon, sinabi nina Senador Rene Saguisag at Wigberto Tanada na ang mga nilalaman at mga probisyon ng EDSA ay maliwanag na pabor sa Estados Unidos sapagkat ang matatamo lamang ay mga pangakong tutulong sa oras na sumalakay at manakop ang mga Tsino sa mga nasasakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sa ilalim ng EDSA, ang America ay papayagang magtayo ng mga gusali, mag-imbak at maglagay ng kanilang mga kagamitan, mga gamit na pandigma, magdestino ng mga kawal at mga sibilyang mga tauhan, defense contractors, maghimpil ng kanilang mga sasakyang panghimpapawid at pangdagat sa loob ng sampung taon.

Idinagdag ng mga mambabatas, ang EDSA ang magibibgay ng poder na magtayo at magpatakbo ng base militar sa alinmang bahagi ng bansa ng walang anumang kabayaran.

Ayon sa dalawang legal luminaries, ang kasunduan ay sinasabing pagpapatupad lamang ng nilalaman ng Philippines-US Mutual Defense Treaty na ipinagtatanong pa sa kauna-unahang pagkakataon sa Korte Suprema.

Naniniwala naman si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na makalulusot ang EDCA sa Korte Suprema. Ang lahat umano ng probisyon sa kasunduan ay ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na maipagtatanggol ng pamahalaan ang paninindigan nito sa EDCA. Ipinaliwanag ni Kalihim Lacierda na si Undersecretary Pio Batino ay isang abogado at ang Office of the Solicitor General ay may papel na ginampanan sa pagbabalik-aral at pagsusuri sa nilalaman ng EDCA.

Sa panig nina dating Senador Saguisag at Tanada, paso na ang Mutual Defense Treaty sapagkat mayroon ng 1987 Constitution na nagtatakwil sa pakikidigma bilang "national policy."

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>