Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kapulungan ng mga Obispo, nagpahayag hinggil sa CARPER

(GMT+08:00) 2014-06-06 18:29:30       CRI
Kapulungan ng mga Obispo, nagpahayag hinggil sa CARPER

SA napipintong pagtatapos ng Comprehensive Agrarian Reform sa darating na Lunes, ika-30 ng Hunyo. Hindi umano magpapabaya ang Simbahan sa kalagayan ng mga abang magsasaka kaya't mahalagang pagbalik-aralan ang mga itinuturo ng social teachings.

Sa kanyang pahayag na inilabas ngayon, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng CBCP at Arsobispo ng Lingayen-Dagupan, na ang kapital na kinabibilangan ng lupa ay para sa magandang kinabukasan ng mga manggagawa sapagkat ang tao ay nagpapahalaga sa paggawa. Ang isa pang dahilan ay ang tao'y mas mahalaga kaysa anumang bagay. Hindi kailangang pangalawa ang tao at higit na pahahalagahan ang lupang kanilang binubungkal.

Ang pag-aari ng pribadong tao sa yaman ng daigdig ay hindi kailanman magiging rason upang tanggihan ang mga anak ng Diyos na magkaroon ng pagkakataong pakinabangan ang mga ito.

Ayon kay Arsobispo Villegas, ang paggamit ng lupa ang nauuna sa karapatang mag-ari nito at ang private ownership ay mananatiling katanggap-tanggap kung ito'y mauuwi sa mas maayos na paggamit ng likas na yaman.

Noong 2011, ang Agrarian Reform Communities Level Development Assessment ay kinakitaan na datos na 54% ng mga tahanan sa agrarian reform beneficiaries ay mas mahirap pa sa nasa poverty line. Kahit umano may lupa sila, mahirap pa rin sila kaya't ang kanilang kategorya'y "landed poor".

Hindi sapat ang pamamahagi ng lupa kung walang anumang pasilidad na ilalaan para sa mga tatanggap ng lupain. Nakalulungkot umanong mabalitang ang salaping nararapat ilaan sa mga palatuntunan ng pamahalaan ay natutunga sa bulsa ng iilan.

Sa panig ng Simbahan ay gagawin nito ang bahagi nito sa pagpapasigla ng social action commissions na magbabantay, magmamasid at mag-uulat sa sa pamamahagi at paggamit ng salapi ng bayan sa mga palatuntunang may kinalaman sa pagsasaka.

Ikinalulungkot din ni Arsobispo Villegas na mayroong mga magsasakang nakinabang sa repormang agraryo na kinailangang talikdan ang kanilang biyaya upang magkaroon ng madaliang salapi. Ipinaarkila o isinasangla ang mga lupain.

Kailangan umanong magabayan ang mga magsasaka upang huwag mahulog sa patuloy na bitag ng kahirapan.

Ang problema ay 70% ng Certificates of Land Ownership Awards na nailabas ay pangmaramihan o collective. Kinasasangkutan ito ng may isang milyong magsasaka sa dalawang milyong ektarya. Ang legal rights ng mga magsasaka ay hindi pa nalilinaw.

Dahilan sa kawalan ng katiyakan, hindi nagagamit ang mga lupain at hindi natatamnan ng maayos. Obligasyon ito ng Department of Agrarian Reform, ayon kay Arsobispo Villegas.

Samantala umanong natapos na ang redistribution sa kamay ng pamahalaan at sa inisyatiba ng pribadong sektor, obligasyon ng lipunan na gawing productive ang mga lupain. Kailangan ang paglalaaan ng lupain at iba pang serbisyo na mamasdan ng lahat sa pagkakaroon ng transparency at mapapanagot ang nararapat managot.

Dapat magpatupad ng mga batas na magtataas ng productivity sa kanayunan. Kailangang makasama ang Simbahan sa pagbuo ng mas responsableng mga magsasaka upang huwag kailanman mabaluktot ang batas na taliwas sa pamamahagi ng lupa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>