Philippine Chamber of Commerce, makikipagtalakayan sa Turkish businessmen
MAGUUSAP ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Tukish Chamber of Commerce if the Philippines sa isang business matching sessyion sa Miyerkoles, ika-11 ng Hunyo mula ala-una hanggang ika-lima ng hapon sa tanggapan ng PCCI sa McKinley Hill sa Fort Bonifacio.
Sinabi ni PCCI President Albredo M. Yao na 24 ng Turkish companies na interesado sa general trading at manufacturing ang interesadong lumahok sa one-on-one contacts sa mga kumpanya rito.
Mahalaga ang business matching sa mga iniaalok ng PCCI trade division upang isulong ang pagpapalago ng mga kalakal ng mga kasapi nito. Tumutulong din ang PCCI sa mga kasapi nito sa pamamagitan ng trade inquiry services, outbound at inbound missions, paglahok sa trade fairs at exhibitions at pagsusulong na linkages ng maliliit at malalaking mga kumpanya.
1 2 3 4 5 6 7