Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

New Perfect Two

(GMT+08:00) 2014-06-11 17:43:52       CRI

Tampok sa episode ng Pelikulang Tsino Nood Tayo ang pelikulang New Perfect Two. New – kasi noong 1984 ginawa na rin ni Kevin Chu ang comedy with the same title pero ang 2012 version ay tungkol sa relasyon ng mag-ama.

Si Abi (Vic Zhou) ay dating champion motorcycle race driver, pero dahil sa isang racing accident 6 na taon na ang nakararaan nawala ang kasikatan niya at iniwan siya ng kanyang girlfriend. Di na siya nakabangon sa kamalasan at naging lasenggo at sugarol. Para kay Abi magbabago lang ang buhay niya pag bumalik na ang girlfriend na si JiaWei (Yang Mi).

Dahil hindi pa siya nakakaget-over sa ex niya, di nya pinapansin ang pagtingin ng kapitbahay na si MaNiu (Ella Chen – singer ng SHE ). Kontento na si MaNiu na maghintay at mag-alaga kay Abi.

Isang araw bigla na lang dumating sa buhay ni Abi ang long-lost lover na si JiaWei pero kasama ang isang bata na si BinBin (Xiao Xiao Bin) na anak pala niya at dapat niyang alagaan pansamantala.

Dito umikot ang kwento ng New Perfect Two … perfect two dahil ipinakita nito ang relasyon ng mag-ama na unti-unting gumanda at naging malapit sa isa't isa.

Alamin mula sa movie buddies kung handa na ba o hindi si Vic Zhou para gampanan ang daddy roles at kung ano ang naiambag ng super sikat na child star na si Xiao Xiao Bin sa pelikulang New Perfect Two.

Para mapakinggan ang programang Pelikulang Tsino Nood Tayo gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in.

Sa mga gumagamit ng smartphones at tablet i–download ang Podcast ng Kape't Tsaa. I-like na rin ang Facebook page na CRI Filipino Service para sa iba pang updates.

Si BinBin (Xiao Xiao Bin)

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>