Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

A Better Tomorrow

(GMT+08:00) 2014-06-30 20:17:32       CRI

Tampok sa episode ng Pelikulang Tsino Nood Tayo ang pelikulang "A Better Tomorrow."

Ang "A Better Tomorrow" ay isang tipikal na gangster film ng Hong Kong. Ito ay pinagbibidahan ng big stars na sina Yun-Fat Chow bilang Mark, Leslie Cheung bilang Song Zijie, at Lung Ti bilang Song Zihao. Sina Zijie at Zihao ay magkapatid pero magkaiba ng trabaho. Si Zijie ay isang pulis samantalang si Zihao naman ay isang gangster at miyembro ng fake money ring. Minsan, nagnegosyo sina Zihao at kanyang follower na si A Cheng sa Taiwan. Ipinagkanulo ni A Cheng si Zihao at inaresto siya. Upang hindi kumanta si Zihao sa pulis, tinangka ng gang na kidnapin ang tatay niya, pero sa labanan na naganap, napatay ang tatay niya.

Para makaganti naging gimp ang matalik na kaibigan ni Zihao na si Mark. Paglabas ng bilangguan, nagbagong buhay na si Zihao at hindi na bumalik sa gang. Samantala, nagtanim naman ng galit kay Zihao ang kapatid niyang si Zijie dahil sa sinapit ng kanilang ama, at ipinasiya ng huli na kidnapin ang kapatid.

Unti-unting naging puno ng kompanya si A Cheng at nagtangkang patayin sina Zihao at Mark. Sa mainitang labanan, nakakuha si Mark ng ebidensiya ng krimen ni A Cheng, at pinayuhan si Zijie na patawarin si Zihao. Sa wakas, namatay si Mark at pinatay naman ni Zihao si A Cheng, gamit ang baril na ibinigay ni Zijie. Nag-reconcile ang magkapatid at magkasamang sumuko sa pulis.

Para mapakinggan ang programang Pelikulang Tsino Nood Tayo gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in.

Sa mga gumagamit ng smartphones at tablet i–download ang Podcast ng Kape't Tsaa. I-like na rin ang Facebook page na CRI Filipino Service para sa iba pang updates.

Si Mark

Si Song Zijie

Si Song Zihao

Si A Cheng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>