Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Santo Papa, darating sa Pilipinas sa Enero

(GMT+08:00) 2014-07-07 18:41:57       CRI

Santo Papa, darating sa Pilipinas sa Enero

POPE FRANCIS, DADALAW SA PILIPINAS SA ENERO. Ito ang ibinalita ni Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle sa mga mamamahayag kanina. Ani Cardinal Tagle, hintayin na lamang ang opisyal na pahayag mula sa Vatican hinggil sa takdang petsa. (Jhun Dantes)

PASIG BISHOP VERGARA, MAGHAHANDA SA MEDIA COVERAGE SA PAGDATING NI POPE FRANCIS. Si Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara (dulong kanan) ang magiging punong abala sa media coverage sa pagdating ng Santo Papa sa Enero. (Roy Lagarde/CBCP)

IBINALITA nina CBCP President Socrates B. Villegas, at Arsobispo Luis Antonio G. Cardinal Tagle ng Maynila at Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara na darating si Pope Francis sa unang buwan ng 2015.

Sa isang press briefing, niliwanag nina Arsobispo Villegas at Cardinal Tagle na umaasa silang maihahayag ng Vatican ang takdang petsa ng pagdalaw at sa Pilipinas na tinaguriang isang "pastoral visit" sa darating na huling linggo ng Hulyo o unang linggo ng Agosto.

Umaasa sina Arsobispo Villegas at Cardinal Tagle na sa huling linggo ng Nobyembre ihahayag ng Vatican ang buong detalyes ng pagdalaw sa Pilipinas. Dumalaw na ang mga kinatawan ng Vatican City sa Pilipinas, sa Maynila at maging sa Tacloban City sapagkat binanggit ni Pope Francis na nais niyang makiisa sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre.

Tumanggi ang mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na magbigay pa ng iba pang detalyes bagaman sinabi ni Cardinal Tagle na binanggit na sa kanya ni Pope Francis na nais niyang dumalaw sa Asya na kinaroronan ng minoryang mga Katoliko.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>