Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Don't Go Breaking My Heart

(GMT+08:00) 2014-07-09 11:40:14       CRI

Ang "Don't Go Breaking My Heart" ay kuwento ng pag-iibigan nina Cheng Zixin (Gao Yuanyuan), Fang Qihong (Daniel Wu), at Zhang Shenran (Louis Koo).

Si Cheng Zixin ay nagtatrabaho sa sirkulo ng pinansya sa Hongkong. Hindi maalwan ang kapwa pag-ibig at karera niya. Nakilala niya si Zhang Shenran, isa ring office worker na nagtatrabaho sa harap ng gusali niya. Lagi silang nagbibigay ng encouragement sa isa't isa. Sumusulat sila ng ilang pangungusap sa papel at ipinapaskil nila ito sa bintana ng opisina para makita ng iba ang nilalaman pero hindi sila naghaharap.

Noong isang beses, nakita ni Zixin ang dating nobyo at asawa niya. Tumakbo siya para makaiwas at kumuntik na siyang mabundol ng kotse. Iniligtas siya ni Fang Qihong. Parang pulubi ang ayos ni Qihong pero, sa katotohanan, siya ay isang frustrated architect. Bilang pasasalamat, ibinigay ni Zixin ang mga regalo ng dating nobyo kay Qihong at hinimok niya ito na huminto sa paglalasing at buhayin ang kanyang karera.

Nang magpasya si Zixin na totohanang makipag-date kay Shenran, lumabas naman si Shenran na kasama ang isa pang beauty. Samantala, naghihintay naman si Qihong sa parke kay Zixin.

3 taon pagkaraan nito, si Shenran ay naging boss ni Zixin. Datapuwa't disappointed si Zixin kay Shenran, nagtapat pa rin si Shenran kay Zixin. Samantala, si Qihong ay naging kilalang architect at nagtrabaho siya sa harap ng gusali ni Zixin. Sinimulan din niyang manligaw kay Zixin…

Para mapakinggan ang programang Pelikulang Tsino Nood Tayo gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in.

Sa mga gumagamit ng smartphones at tablet i–download ang Podcast ng Kape't Tsaa. I-like na rin ang Facebook page na CRI Filipino Service para sa iba pang updates.

Si Cheng Zixin (Gao Yuanyuan)

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>