Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino: Ginamit namin ng maayos ang salapi para sa bayan

(GMT+08:00) 2014-07-14 19:22:30       CRI

Abogado, naghahanda para sa Motion for Reconsideration

NILABAG NIYA ANG SALIGANG BATAS. Ito ang sinabi ni UP Professor at dating National Treasurer Leonor Magtolis Briones sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina. Niliwanag niyang sa Pilipinas, ginagawa ng lehislatura ang pgpapanukala ng mga pagawaing-bayan at paglalaan ng salapi. Ang ehekutibo naman ang siyang magpapatupad nito. Ang hudikatura ang magdedesisyon sa mga isyu sa pagitan ng dalawang sangay ng pamahalaan. (Sky Ortigas/Areopagus Social Media for Asia, Inc)

MOTION FOR RECONSIDERATION INIHAHANDA NA. Naghahanda na si Atty. Harry Roque, (dulong kanan) ng kanyang ihahaing Motion for Reconsideration sa Korte Suprema sa desisyon nitong labag sa Saligang Batas ang DAP. Ani Atty. Roque, dapat liwanagin ng Korte Suprema kung hanggang anong halaga ang maidadagdag ng ehekutibo sa mga may pondong proyekto. Lumahok din si Dr. Prisco Nilo, ang dating pinuno ng PAGASA. (Sky Ortigas/Areopagus Social Media for Asia, Inc.)

TINIYAK ni Atty. Harry Roque, isa sa mga abogado ng mga nagpetisyon sa Korte Suprema laban sa Disbursement Acceleration Program ng Pamahalaang Aquino, na ipararating nila ang kanilang Motion for Reconsideration sa desisyong nagsasabing taliwas ito sa itinatadhana ng Saligang Batas noong 1987.

Sa kanyang pagharap sa Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Atty. Roque na nararapat sabihin ng Korte Suprema kung gaano ang hangganan ng salaping maidadagdag ng ehekutibo na lumabag sa itinatadhana ng batas.

Inihalimbawa niya ang pagdaragdag ng pondo sa proyektong may kinalaman sa pagtatayo ng lansangan sa Tarlac na may orihinal na budget na P 900 milyon at dinagdagan pa ng P 1 bilyon, tulad rin ng proyekto ng Department of Science and Technology na nagkakahalaga ng P 537 milyon subalit binigyan pa ng P 1.64 bilyon.

Binanggit din nina Atty. Roque at Professor Briones na biglang dumami ang mga kakampi ni Budget Secretary Florencio B. Abad sa media, pati mga kolumnista ay nagsusulat ng mga papuri sa mga nagawa ng kalihim.

Mayroon umanong Public Relations offensive.

Sa panig ni dating National Treasurer at Pangulo ng Social Watch Philippines Professor Leonor Magtolis Briones, mahirap ipagtanggol ni Pangulong Aquino ang kanyang paninindigan sa DAP sapagkat lumabag siya sa itinatadhana ng Saligang Batas.

Pinawalang-saysay din niya ang pahayag na nakapagdagdag ng malaki-laking porsiyento sa Gross National Product na diumano'y nagmula sa World Bank. Ipinaliwanag ng Pangulo ng Social Watch Philippines na ang mga nabiyayaan sa DAP ay mga grupong tulad ng Cordillera People's Liberation Front, Moro National Liberation Front at maging Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kung susumahin ang biyayang natamo ng bansa, magtatagal pa ito sapagkat hindi ganoon kabilis ang pag-unlad ng Gross National Product dahil sa DAP.

Ipinaliwanag ni Dr. Prisco Nilo, dating Bureau chief ng PAGASA, na noong lumisan siya sa pamahalaan at nangibang-bansa, patungong Australia, matagumpay niyang naipagtanggol ang kanilang budget sa sa Department of Budget and Management at umabot sa higit sa P 1 bilyon. May mga prosesong nararapat sinusunod sa paghahanda ng budget at hindi niya maalala kung nagkaroon ng dagdag na budget sa kanyang ipinanukalang halaga.

Sinabi ni Professor Briones na halos 25% ng pambansang budget ang nasa discretion ni Pangulong Aquino at ito ay sa pamamagitan ng mga discretionary funds na kakaiba sa mga pondong nakalaan tulad ng Presidential Social Fund, Contingency Fund at Calamity Fund.

Bukod sa mga pondong nabanggit, isang kontrobersyal na pinagmumulan ng alingasngas ang Motor Vehicle Users' Fund na diumano'y hindi kasama sa pangkalahatang budget ng pamahalaan. Ipinaliwanag pa ni Prof. Briones na ang salaping ito ay nararapat gastusin sa pag-aayos ng mga lansangan.

Idinagdag pa ni Professor Briones na nararapat bantayan din ng mga mamamayan ang magiging pagtalakay sa Bangsamoro Basic Law sapagkat nagdududa siya na hindi ito makakapasa sa Mababa at Mataas na Kapulungan sapagkat walang pera ang Malacanang na iaalok sa mga mambabatas na tatalakay sa usapin. Kung hindi ito makakapasa sa Kongreso, lalo nang hindi ito makakapasa sa Korte Suprema sapagkat mayroong mga kaduda-dudang probisyon sa "wealth-sharing" ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.

Isa sa mga lumisan sa government service si Dr. Prisco Nilo sapagkat hindi nilagdaan ng Malacanang ang kanyang appointment bilang Director ng PAGASA. Ipinaliwanag niyang hindi na siya nagpilit na maglingkod sa pamahalaan sapagkat nasanay na isa sa loob at labas ng bansa at hindi naging mahirap ang pagpasok sa ibang hanapbuhay. Naglingkod siya ng 27 taon sa pamahalaan mula pa noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa natapos noong mga unang buwan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Sa katanungan kung may sapat bang kakayahan ang mga kawani ng PAGASA sa pagtataya ng panahon, sinabi ni Dr. Nilo na ang tanging kulang ay mga kagamitan. Magagaling anya ang weather forecasters ng Pilipinas sapagkat marami na sa kanila ang nagtatrabaho sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>