Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Impeachment complaint, dinala na sa Mababang Kapulungan

(GMT+08:00) 2014-07-22 10:26:21       CRI

ISANG linggo bago ang tradisyunal na State of the Nation Address, sama-samang nagtungo ang mga grupong kontra sa pork barrel sa Mababang Kapulungan upang dalhin ang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III hinggil sa Disbursement Acceleration Program o DAP.

Ang militanteng Bagong Alyansang Makabayan kasama ang may 27 iba pang complainants ay nagsabing ang sandigan ng kanilang reklamo ay ang paglabag sa Saligang Batas at pagtataksil sa pagtitiwala ng mga mamamayan, ang mga reklamong ginamit laban kay dating Chief Justice Renato Corona.

May 80 pahina ang impeachment complaint na dinala sa Office of the Secretary General at inendorso nina Congressmen Neri Colmenares at Carlos Zarate at Fernando Hicap.

Kasama sa mga nagreklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption at Citizens Crime Watch. Sila rin ang mga nagpetisyon laban sa DAP sa Korte Suprema.

Kabilang sa mga lumagda sa reklamo sina retiradong Arsobispo Oscar V. Cruz, Juana Change o Mae Paner at ang Whistleblowers Association president Sandra Cam.


1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>