![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140728.m4a
|
Ang pelikulang My Lucky Star ay para sa mga mahilig sa action-comedy.
Ang 2013 Chinese romantic adventure film na ito ay directed by Dennie Gordon. At ang mga bida ay kinabibilangan nina Zhang Ziyi at Leehom Wang.
Naitampok na ng mga movie buddies ang pelikulang Sophie's Revenge kasama sina Zhang Ziyi, Ruby Lin at Yao Chen. Ang My Lucky Star ay prequel ng Sophie's Revenge.
Ito ang kauna-unahang Chinese language film na ginawa ng isang Amerikana… walang iba kundi si Dennie Gordon.
Kilala si Dennie Gordon dahil kasama sa kanyang mga directorial television credits ay ang Downson's Creek at Ally McBeal. Bilang direktor naman ng pelikula ilan sa kanyang mga nilikha ay What a Girl Wants (2003), Joe Dirt (2001) at New York Minute (2004). Apat ang screenwriters ng pelikulang My Lucky Star sila ay sina Amy Snow, Chris Chow, Hai Huang at Yao Meng.
alo-halong romance, mala James Bond action at mala Pink Panther na comedy ang mapapanood sa My Lucky Star. Tungkol ito sa isang travel agent na si Sophie (Zhang ZiYi) bago siya naging sikat na comic book writer. Gaya ng naunang pelikula, kasama pa rin ni Sophie ang kanyang dabarkads na sina Lily (Yao Chen) at Lucy (Ruby Lin). Isang araw nanalo ng libreng byahe sa Singapore si Sophie. Sa Singapore nakilala niya si David (Wang Lee Hom). Natameme siya sa kaguwapuhan at lahat ng mga katangian ng kanyang dream man sa mga drawings ay biglang nakita niya kay David. Nagsimula ang wild adventure ni Sophie at David, sa kanilang pagbawi sa Lucky Star diamond. At mula Singapore, napunta na ang mga karakter sa Hong Kong, at Macau.
Ang pelikula ay hinaluan ng mga animated sequences na mula sa mga drawing ni Sophie. Ma-aksyon ang pelikula, magalaw ang kaera at maliksi ang editing. Maganda rin ang mga kanta sa soundtrack.
Alamin ang pagtalakay ng mga movie buddies na sina Mac at Andrea sa episode ng Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Ang programang ito ay mapapakinggan din sa iTunes PODCAST hanapin lang ang Kape't Tsaa. Sa Facebook, i-Like ang CRI Filipino Service para makuha ang mga updates hinggil sa iba't ibang mga programa.
Si Sophie (Zhang ZiYi)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |