|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Usapin laban sa Sulpicio Lines, umuusad na


MGA BIKTIMA, SUSUBAYBAY SA PAGDINIG. Tiniyak ni Rowena Barret, pangulo ng samahan ng mga biktima ng MV Princess of the Stars na magbabantay sila sa mga pagdinig sa Maynila at Cebu. Mayroon silang 68 mga kasaping kabilang sa mga naulila ng sakuna noong ika-21 ng Hunyo 2008. (Melo M. Acuna)
IKINAGAGALAK ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta ang pagtatakda ni Cebu RTC Judge Sylvia Aguirre-Paderanga ng pagdinig ng dalawang ulit sa bawat buwan hanggang sa Mayo 2015.
Maganda ring pagkakataon ang pagpapatupad ng judicial affidavit rule na siyang nagpapabilis ng pagdinig sa usapin sapagkat haharap na lamang ang saksi sa cross examination sa hukuman. Hindi na uulitin pa ang nilalaman ng judicial affidavit sa pamamagitan ng direct examination sa hukuman.
Dinirinig ang civil case na inihain ng mga naulila ng paglubog ng MV Princess of the Stars sa Romblon noong ika-21 ng Hunyo 2008 sa Cebu RTC Branch 16 para sa mga nagreklamong mga kamag-anak na mula sa Cebu at Mindanao. Isa pang usapin ang inihain ng biktima at mga kamag-anak na nagmula sa Luzon.
Kahapon ay humarap si Philippine Coast Guard Vice Commandant for Operations Rear Admiral Luis M. Tuazon at sumailalim sa cross examination ng abogada ng Sulpicio Lines.
Ani Atty. Acosta, may pananagutan ang may-ari ng barko criminally, civilly at administratively ayon sa Revised Penal Code, Civil Code of the Philippines at sa mga itinatadhana maritime rules ang regulations kung hindi sinunod ang mga itinadhana ng batas.
Sa panig ng mga biktima, umaasa si Rowena Barret, ang pangulo ng isang munting samahan ng mga biktima na binubuo ng 68 mga biktima, na matatapos na rin ang kanilang paghahangad ng katarungan. Magpapatuloy sila sa pagbabantay sa mga pagdinig sa mga hukuman ng Cebu at Maynila.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |