|
||||||||
|
||
PTNT/20140825.m4a
|
Ang pelikula ay set in the late Ming Dynasty. Ang Brotherhood of Blades ay kwento tungkol sa tatlong malapit na magkakaibigan papel nila Chang Chen, Wang Qianyuan at Li Dongxue na nanunungkulan bilang mga Jinyiwei guards. Sa simula ng kwento sila ay inatasan ng palace eunuch papel ni Nie Yuan para tugisin si Wei Zhongxian (Jin Shijie), isang eunuch politician na napwersang magbitiw sa tungkulin at pinaalis sa Beijing. Matagumpay na ibinalik ng mga Jinyiwei guards ang takas na eunuch pero nadiskubre nila sa kanilang pagbabalik na ang kanilang misyon ay bahagi ng isang sabwatan.
Bago ang release ng Brotherhood of Blades, ang working title nito ay "Fei Yu Fu Xiu Chun Dao," o yung special na uniform ng mga kawal na Jinyiwei. Pero nalito ang ilang mga manonood sa titulo dahil ang huling three characters na "Xiu Chun Dao," ay nangangahulugan ding dangerous sword na ginagamit ng mga Jinyiwei.
Ayon sa director ng pelikula na si Lu Yang "It has a very romantic name,but in reality, it is very frightening." FYI po mga moviebuddies si Director Lu Yang ay nanalo ng Golden Rooster Award for Best Directorial Debut para sa 2010 film na The Spectacular Theatre. Bukod dito ang naunang pelikula ni Lu Yang ay A Motor Home Adventure (2012).
Siya ay bahagi ng tinatawag na group of new-generation directors in China, kung saan kabilang ang mga novelists na sina Guo Jingming at and Han Han, at ang mga actors na sina Deng Chao and at Chen Sicheng.
Pakinggan ang review ng movie buddies sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Sina Chang Chen (sa gitna), Wang Qianyuan (sa kanan) at Li Dongxue (sa kaliwa)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |