Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Buradol ng Bangsamoro Basic Law, ibinigay na ni Pangulong Aquino sa Senado at Kongreso

(GMT+08:00) 2014-09-10 18:27:28       CRI
Buradol ng Bangsamoro Basic Law, ibinigay na ni Pangulong Aquino sa Senado at Kongreso

BINABATI NI BANGSAMORO TRANSITION COMMISSION CHAIR MOHAGER IQBAL ANG MGA MAMBABATAS. Makikita sa larawan si G. Iqbal na bumabati kay Senate President Franklin M. Drilon matapos ibigay ni Pangulong Aquino ang Bangsamoro Basic Law sa seremo

IPINAGKATIWALA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang buradol o draft ng Bangsamoro Basic Law kina Senate President Franklin M. Drilon at House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. sa seremonyang naganap sa Malacañang kaninang ika-sampu ng umaga. Nangunguna ito sa mga prayoridad ng Pamahalaang Aquino.

Ang pagsusumite ng panukalang batas sa Kongreso upang ipasa ay bahagi ng roadmap para sa pagbuo ng Bangsamoro Region sa 2016. Ang BBL ang naglalaman ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan ng Moro Islamic Liberation Front at ng Government of the Philippines noong ika-27 ng Marso, 2014 na nagtatapos sa 17 taong pag-uusap ng magkabilang panig.

Ang panukalang Bangsamoro Region ay inaasahang magkakaroon ng tunay na autonomiya na siyang papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao sa oras na ipasa ng dalawang kapulungan at ipasa sa pamamagitan ng isang plebesito.

Ang panukalang Bangsamoro Basic Law ay binuo ng Bangsamoro Transition Commission, isang lupon na binuo ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 120. Isinumite ng Bangsamoro Transition Commission sa Tanggapan ng Pangulo noong ika-22 ng Abril na dumaan sa pagsususri ng magkabilang panig at napagkasunduan na makatarungan sa lahat ng panig.

Ayon sa Malacanang mahalaga ang pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law upang magkatotoo ang political solution sa matagal ng sigalot sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Sertipikado ni Pangulong Aquino ang Bangsamoro Basic Law bilang isang urgent bill. Nangako naman sina Senate President Drilon at Speaker Belmonte na ipapasa nila kaagad ang panukalang batas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na nakita niya ang katapatan ng magkabilang-panig na magkasundo. Walang nakalamamang sa sinoman at natamo ang pagwawagi ng magkabilang-panig.

Idinagdag ng pangulo na matibay ang kanyang pananalig na sang-ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ang panukalang batas at may katapatan sa nilalaman ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at naglalaman ng kolektibong pagsisikap na matamo ang kaunlaran para sa lahat.

Nanawagan din siya sa Kongreso na madaliin ang pagpapasa ng panukalang batas sa pinakamadaling panahon upang magkaroon ng sapat na oras ang mga Muslim na makapaghanda at tuluyang magkaroon ng pagbabago sa pamamahala sa Bangsamoro.

Nanawagan din siya sa mga mamamayan ng bansa na suportahan ang layuning magkaroon ng maunlad na rehiyon para sa mga Muslim. Sa oras umanong maipasa ang panukalang batas sa Senado at Kongreso, isang plebesito ang idaraos.

Binanggit ni Pangulong Aquino na sa kanyang paglalakbay sa Europa sa darating na Sabado, ibabalita niya sa mga bansang dadalawin tulad ng España, Belgium, Francia at Alemania na nabuo ang panukalang batas sa pamamagitan ng pagtitiwala ng magkabilang-panig.

Isa umanong pambihirang pagkakataon ang napatunayan sa daigdig na kaya ng Pilipinas na makamtan ang inakalang mahirap magkatotoo, tulad ng Bangsamoro Basic Law.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>