|
||||||||
|
||
fil/PTNT/20140901.m4a
|
Ang The Shopaholics ay isang Hong Kong film na ginawa ni Wai Ka Fai at ipinalabas noong 2005. Pangunahing mga bida sa The Shopaholics ay sina Cecilia Cheung, Sean Lau, Jordan Chan at Ella Koon.
Heto ang plot ng pelikula: Si Fong Fong (Cecilia Cheung) ay isang shopaholic at talagang di niya kayang kontrolin ang kanyang hilig sa pamimili. Dala ng kanyang kondisyon, nawalan siya ng trabaho at talagang lubog sa utang. Desperado na si Fong Fong kaya lumapit siya sa isang psychologist para magpaggamot. Dito niya nakilala si Choosey Lee Gan Yan (Sean Lau) na may sakit din at di siya madaling makapili. Samantala nakilala ni Fong Fong si Richie Ho (Jordan Chan), isang weird millionaire na napakakuripot pero tulad ni Fong Fong siya rin ay isang shopaholic. Pero di tulad ni Fong Fong, ayaw magpagamot ni Richie Ho dahil sa palagay niya, sayang lang ang pera dito. Dahil sa kagustuhang tumulong, si Fong Fong na mismo ang nagbigay ng tips para bumuti ang kondisyon ng bagong kaibigan.
Ang Direktor ng pelikula na si Wai Ka Fai ay tubong Hong Kong na may mahabang career na sa showbiz. Siya ay isang writer, producer at TV Director. Ang pelikulang Running on Karma ang nagdala ng karangalan para kay Wai Ka Fai dahil nanamo ito ng Best Film at Best Screenplay sa Hong Kong Film Awards. At ang Mad Detective na isinulat din ni Wai Ka Fai ay kinilala sa Hong Kong at Asian Film Awards bilang pinakamahusay sa screenplay.
Mabilis ang takbo ng kwento ng The Shopaholics. At ang mga eksena nito ay puno ng kalokohan. Malayo sa totoong buhay pero ang pamamaraan ay angkop dahil "hindi naman normal" ang mga tauhan sa pelikula.
Pakinggan ang pagtasa at alamin kung nasiyahan ba ang mga movie buddies sa The Shopaholics sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Para sa iba pang movie reviews punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa.
I-Like din ang page sa Facebook na CRI Filipino Service para sa mga updates ng mga programa ng CRI Serbisyo Filipino
Sina Cecilia Cheung, Sean Lau, at Jordan Chan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |