![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140908.m4a
|
Nagbukas nitong ika 27 ng Agosto ang 71st Venice Film Festival. Sa loob ng 11 araw nakatuon ang pansin ng mga film aficionados sa pestibal na kinabilangan ng 20 pelikula na naglaban laban para sa Golden Lion prize. 55 feature length films ang napili mula sa 1,600 entries. Bukod dito tampok din sa pestibal ang mga short movies at documentaries.
Iba't iba ang categories sa Venice Film Festival. May Venezia 71 competition kung saan pipiliin ang Golden Lion at Silver Lion atbp. Ang Orizzonti kung saan kikilalanin ang Best Short Film at ang Luigi de Laurentiis venue award para sa Debut Film.
Ilang pelikulang Tsino ang itinanghal sa 71st Venice Film festival.
Una rito ang Chuangru zhe (Red Amnesia), directed by Wang Xiaoshuai, ang pelikula ay kasama sa 20 titles na lumaban para sa Golden Lion, ang pinakamataas na premyo sa pestibal.
Ang pelikula ay tungkol kay Deng, isang retired na byuda na ang tanging pinagkaka abalahan ay ang pag-aalaga sa kanyang dalawang anak na lalaki ang ang lola ng mga ito. Sa kabila ng pagpapa-alala ng mga kapamilya niya, tuloy pa rin si Deng. Pero nagbago ang kanyang routine nang magkaroon siya ng mga anonymous calls.
Ang ikalawang pelikulang Tsino na kalahok sa Venice Film Festival ay ang Qin'ai de (Dearest) directed by Peter Ho-sun Chan. Bida sa pelikula ang Chinese actress na si Zhao Wei. Ang pelikula ay kasali sa Out of Competition selection. Ang pelikula ay tungkol kina Tian Wenjun at ang ex-wife nitong si Lu Xiaojuan, na nagulo ang buhay matapos mawala ang kanilang anak. Sa kagustuhang mahanap ang nag-iisang anak, sinuyod nila ang Tsina at sa proseso nakakilala ng isa pang mag-asawa na nawalang din ng anak. Ang bagong kaibigan ang nagpakilala sa kanila sa isang support group na tumutulong para mahanap ang mga batang nawawala. Pinalad na matagpuan nina Tian at Lu ang anak na lalaki sa isang malayong lugar at nang umuwi nadiskubre nila ang malaking pagpapabo sa bata na itinuturing sila ngayon bilang di-kakilala.
Ang ikatlong pelikula at ang Da shu (Great Heat) directed by Chen Tao, na tungkol sa silent and unusual friendship. Ito ay kasama sa Orizzonti-Short Films selection, isang competition para sa mga pelikula na nagpapakita ng latest aesthetic and expressive trends in international cinema.
Ang ika apat na pelikula ay ang Huangjin shidai (The Golden Era) ni Ann Hui, na pinagbibidahan ni Tang Wei. Ang pelikulang ito ang napili bilang closing film ng Venice film festival na nagtapos nitong Sept. 6. Ito ay tungkol sa buhay ni Xiao Hong, isa sa pinaka sikat na female writers na nabuhay sa itinuturing na pinakamagulong panahon sa contemporary China.
Alamin ang iba pang detalye hinggil sa 71st Venice Film Festival sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
Ang Red Amnesia
Ang Dearest
Ang Great Heat
Ang Golden Era
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |