Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsisiyasat sa ilang mga opisyal ng pamahalaan, ipinag-utos

(GMT+08:00) 2014-09-25 18:41:53       CRI

ISANG pormal na pagsisiyasat ang gagawin ng Ombudsman kina Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Abaya, dating Metro Rail Transit 3 General Manager Al Vitangcol at ilang iba pa matapos magkaroon ng hiwalay na administrative at criminal charges laban sa kanila sanhi umano ng kaduda-dudang maintenance contract para sa MRT-3.

Mahaharap din sa imbestigasyon ang mga kasapi sa DOTC Bids and Awards Committee na sina Undersecretary Jose Perpetuo Lotilla, Undersecretary Rene Limcaoco, Undersecretary Rafael Antonio Santos, Assistant Secretary Ildefonso Patdu, Assistant Secretary Dante Lantin at LRTA Administrator Honorito Chaneco at mga kasapi ng Negotiating Team.

Ipinarating na rin ng Field Investigation Office ng Ombudsman ang criminal at administrative charges laban sa kanila.

Ayon sa mga balitang lumabas bukod sa kasong kriminal, mahaharap sila sa kasong administratibo. Sina G. Vitangcol at ilan pang mga kasama ang mahaharap sa usaping paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Nagmula ang usapin sa maintenance agreement para sa mga bagon ng MRT na nilagdaan noong Disyembre 1997 sa pagitan ng MRT Corporation bilang may-ari ng pasilidad at Sumitomo Corporation para sa ligtas at maayos na operasyon, kabilang ang paglalaan ng mga manggagawa at superbisyon.

Ang orihinal na kasunduan ay nawalang bisa noong ika-21 ng Hunyo 2010 at nagkaroon ng apat na extensions mula Junyo ng 2010 hanggang Oktubre ng 2012. Ayon sa datos na nakuha ng Ombudsman, 15 araw bago nawalang bisa ang huling extension, nagpatupad ng resolusyon ang BAC na magsasagawa ng paghahanap ng interim maintenance provider sa loob ng anim na buwan at makipagkasundo sa terms and conditions.

Noong Oktubre ng 2012, inirekomenda ng negotiating team na igawad ang proyektyo sa PH Trams – CB&T joint venture sa halagang US$ 1.15 milyon buwan-buwan.

Iginawad ang kontrata noong ika-20 ng Oktubre 2012 sa PH Trams – CB&T ng walang public bidding.

Nabatid ng Ombudsman na batay sa records ng Securities and Exchange Commission, ang PH Trams ay dadalawang buwan pa lamang ng igawad ang proyekto at nabuo lamang noong ika-6 ng Agosto 2012 na may capital na P 625,000.00.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>