Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

An Autumn's Tale

(GMT+08:00) 2014-09-29 17:51:30       CRI

Ang pelikulang An Autumn's Tale ay isang warm na love story.

Si Li Qi (Cherie Chung) ay isang self-confident na batang babae. Mula sa Hongkong, pumunta siya sa New York para mag-aral at para makapiling ang nobyo (Danny Chan). Sinalubong siya ni Chuan Touchi (Chow Yun Fat), isang trabahador sa China Town, at malayo niyang kamag-anak. Natuklasan ni Li Qi na may bagong nobya ang kanyang nobyo, nalungkot siya at nagkulong siya sa bahay. Noong isang araw, naganap ang gas leakage sa kusina at nalason si Li. Salamat sa pag-aalaga ni Chuan Touchi, unti-unti siyang gumaling at nagsimula siyang mag-aral at magtrabaho.

Dahil si Chuan Touchi ay isa lamang trabahador, medyo magaspang ang kanyang ugali, at nagmumura. Pero, nahulog ang kanyang damdamin kay Li, at sinimulang itigil ang paninigarilyo at pagsusugal. Pero, kahit love na niya si Li, hindi niya ito masabi dahil sa tingin niya, langit at lupa ang kanilang pagitan. Nalaman naman ni Li na inlove na itong si Chuan Touchi sa kanya, at mayroon na rin siyang pagtingin ditto, Pero, dahil kaka-break lamang niya sa dating BF, at talagang magkaiba ang estilo ng kanilang buhay, pag-iisip, hindi masabi ni Li Qi kay Chuan Touchi na love na rin siya sa kanya.

Pagpasok ng taglagas, nagkaroon ng bagong trabaho si Li at nagpunta siya sa malayong lugar. Kaya, hindi nalaman ng isa't isa ang kanilang damdamin.

Pagkaraan ng maraming taon, natupad ni Chuan Touchi ang kanyang pangarap: mayroon na siyang isang restaurant na malapit sa dagat. Ito ang lugar kung saan magkasamang ipinangako dati nina Chuan Touchi at Li Qi na maabot nila ang kanilang mga pangarap. Dito rin sa lugar na ito muling nagkita ang dalawang bida.

Sina Li Qi (Cherie Chung) at  Chuan Touchi (Chow Yun Fat)

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>