|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bahagyang babagal ang kaunlaran sa Silangan Asia
MAKARARANAS ang mga bansa sa Silangang Asia ng mas mabagal na kaunlaran ngayong taon subalit makakabawi ito sa susunod na taon. Hindi kasama sa pagsusuring ito ang Tsina.
Ayon sa East Asia Pacific Economic Update ng World Bank, makakabawi ang mga bansa sa unti-unting pagbawi ng mga mauunlad na bansa na siyang magpapasigla sa larangan ng exports mula sa rehiyon.
Idinagdag ng World Bank na nananatiling ang East Asia pacific ang pinakamabilis na umunlad na bahagi ng daigdig.
Sa inilabas na pahayag ng World Bank, ang umuunlad ng Silangang Asia ay lalago ng 6.9% ngayong taon, mula sa 7.2% noong 2013. Ang kaunlaran ng Tsina ay gaganda sa 7.4% ngayong taon subalit bababa ng bahagya sa 7.2% sa susunod na taon. Ginagawa ng Tsina ang lahat upang mailagay ang kanilang ekonomiya sa matatag na kalagayan na tutugon sa financial vulnerabilities at structural constraints.
Sa pagtatayang hindi kinabilangan ng Tsina, ang kaunlaran sa mga umuunlad na bansa sa rehiyon ay makararating sa 4.8% bago matamo ang 5.3% sa taong 2015 sa pag-angat ng exports at pagsusulong ng domestic economic reforms sa mauunlad na Southeast Asian economies.
Ayon kay Axel van Trotsenburg, ang East Asia and Pacific Regional Vice President ng World Bank, malaki ang potensyal ng rehiyong umunlad at mas mabilis kaysa ibang mga umuunlad na rehiyon kung ang mga namamahala at magpapatupad ng kailangang domestic reform agenda na kinabibilangan ng pag-aalis ng hadlang sa domestic investment, pagpapaulad ng export competitiveness at pag-aayos ng paggasta ng mga bansa.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |