![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20140929.m4a
|
Ang Huangjin Shi Dai (The Golden Era) ay pelikulang dinirehe ni Ann Hui . Ito ay hindi ordinaryong biopic tungkol sa manunulat na si Xiao Hong. Sa pelikula ipinakilala ang kanyang buhay pero ipinakita rin ang mga tagpo batay sa kanyang mga isinulat at mga impresyon at rekoleksyon ng iba pang mga manunulat at kanyang mga kaibigan.
Si Xiao Hong ay nabuhay sa panahong itinuturing na pinakamasalimuot sa kasaysayan ng Tsina. Ang taon ng kanyang kapanganakan noong 1911 sa Manchuria, northeast China, ay kasabay nang paglipat ng bansa mula dinastiya patungo sa modern republicanism. Lumaki siya sa kapaligirang bukas sa impluwensya ng dayuhang kultura.
Ginawa ni Ann Hui ang pelikula dahil si Xiao Hong ay hinahangaan niya bilang isang alagad ng sining at talagang gustong gumawa ng direktor ng pelikula tungkol sa makulay na buhay ng progresibong manunulat na ito.
Ang pelikula ang napili bilang entry ng Hong Kong sa Best Foreign Film Category ng Oscars. Sa isang pahayag sa Mingpao News sinabi ni Hui na napakasaya at talagang ikinalulugod niyang makuha ang tiwala ng film board para lumahok at lumaban kasabay ang magagandang mga pelikula mula sa ibat ibang panig ng daigdig. Bukod dito ang The Golden Era ang napiling closing film sa 71st Venice Film Festival
Alamin ang iba pang detalye hinggil sa The Golden Era sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |