Senador, nababahala sa krimeng nagaganap
NANAWAGAN si Senador Aquilino Pimentel III sa pulisya na dakpin ang nasa likod ng pagpaslang sa dalawang Swiss nationals. Ito umano ang dahilan kaya't naniniwala ang karamihan sa bansa na lumalala ang situwasyon sa Pilipinas.
Ito ang kanyang pahayag kasunod ng pagpaslang ng dalawang may-edad na Swiss nationals na sina Johann Ernie, 78 taong gulang at Robert Loever, 67 ang nagpapakita ng lumalalang situwasyon sa bansa kahit pa sinasabi ng pulisya na bumababa na ang mga krimen sa bansa.
Mas makabubuting maglunsad ng malawakang paghahanap sa mga nasa likod ng krimen. Humigit na umano sa 10,000 mga usaping murder at homicide sa unang anim na buwan ng taon.
1 2 3 4