Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malacañang kumpiyansa sa magandang rating ng pangulo

(GMT+08:00) 2014-10-10 19:19:30       CRI

Malacañang kumpiyansa sa magandang rating ng pangulo

NANINIWALA si Deputy Presidential Spokesman Atty. Abigail Valte na ang magandang rating ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang nagpapatunay na mali ang pananaw ng mga pumupuna sa kanya.

Unang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na nakabawi ang katayuan ng pangulo partikular sa Third Quarter 2014 SWS survey na nagpapakita na 59% ng may 1,200 adult respondents ang satisfied sa performance ni G. Aquino samantalang may 25% ang nagsabing dissatisfied sila at dahilan upang matamo ang "good" net rating na +34.

Nagkaroon umano ng 9-point improvement mula sa "moderate" net satisfaction na +25 (55% ang satisfied at 30% ang dissatisfied na natamo noong nakalipas na Hunyo.

Mahihirapan umano ang madalas pumuna sa pangulong patunayan ang kanilang mga sinasabi sa magandang performance ngayong pinakahuling survey ng SWS.

Magugunitang binanatan si Pangulong Aquino matapos madeklarang labag sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program at sa kanyang mga pahayag na nagnanais matamo ang ikalawang termino bilang pinuno ng bansa.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>