Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Visiting Forces Agreement nararapat pagbalik-aralan

(GMT+08:00) 2014-10-17 09:04:00       CRI

ANG pagkasawi ng isang transgender sa kamay ng isang US Marine ang naging dahilan upang higit na madaliin ang pagbabalik-aral sa Visiting Forces Agreement upang matiyak na maisusulong ang interes ng bansa at makamtan ang katarungan ng mga Filipino.

Si Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. ang naglabas ng pahayag bilang tugon sa mga tanong kung paano makaka-apekto ang pagkamatay ni Jeffrey "Jennifer" Laude sa kamay ng isa umanong Private First Class Joseph Scott Permerton sa kasunduan ng Piipinas at America.

Ayon kay Secretary Coloma, nakalulungkot ang pagkasawi ng isang mamamayang Filipino at hindi katanggap-tanggap sa mga Filipino kaya't nagkakaroon ng mas matibay na batayan upang suriing muli ang mga probisyong napapaloob sa kasunduan.

Noon pa mang 2010, ilang buwan matapos maluklok si Pangulong Aquino sa tanggapan, ipinag-utos na niya ang pagbabalik-aral sa VFA sa pamamagitan ng isang presidential commission na pinamunuan ni Executive Secretary Pquito Ochoa, Jr.

Noo'y sinabi ni Executive Secretary Ochoa na susuriin nila ang custody provision ng kasunduan na naging kontrobersyal sa pamamagitan ng diumano'y panghahalay sa isang nagngangalang "Nicole" na kinasangkutan ni US Marine Lance Corporal Daniel Smith.


1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>