![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20141006.m4a
|
Ang Break Up Buddies ay pelikula na gawa ni Ning Hao, kilala sa naunang pelikulang Crazy Stone. At ang mga pangunahing bida ay sina Huang Bo at Xu Zheng reunited matapos ang hit na Lost in Thailand.
Ang pelikula ay tungkol sa isang laos na singer na traumatized ng kanyang napakamagulong divorce. Kaya nagdisisyon siyang mag road trip at mag bar trip kasama ang kanyang bestfriend. Kaso ang road trip ay naging masalimuot din.
Hindi ito first road trip flick ni Ning Hao. Kung maaalala ninyo ang No Man's Land si Ning Hao din ang direktor nito at setting ng movie ay ang disyerto ng Xinjiang. Para maiba ang Break-up Buddies, pinagsama ng direktor ang ibat ibang mga genres --- road trip, comedy plus romance.
Si Ning Hao ay lumahok sa katatapos lang na Toronto Film Festival para sa world premiere ng Break-up Buddies. Sa palagay ng direktor magandang pagkakataon ito para ipakilala ang Tsina at ang bukod tanging kultura ng bansa. "I feel like our culture is different and that's our strength. So I think we need to continue to showcase our culture, or uniqueness. Filmmakers from other countries each bring their own cultural uniqueness into their work, and that's what makes it stand out."
Pakinggan ang programang Pelikulang Tsino Nood Tayo nina Mac at Andrea para malaman ang ipa pang inpormasyon hinggil sa pelikula.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |