Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit pa sa South China Sea issue ang sandigan ng relasyon ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-10-22 19:43:04       CRI

PANGULONG AQUINO, NANAWAGAN SA MEDIA.  Sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mayroong sapat na magagandang balita na maisasabay sa masasamang balita.  Mas maganda umano kung magiging patas ang mga balitang lumalabas sa media.  (PCOO Photo)

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na higit pa sa isyung bumabalot sa South China Sea ang sandigan ng relasyon ng Pilipinas at Tsina. Sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines' Annual Presidential Forum, sinabi niya na maliwanag ito sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Hu Jintao noong dumalaw siya sa Tsina noong 2011.

Nagkasundo umano silang dalawa na payabungin ang maraming aspeto ng relasyon. Dumarami ang mga turistang dumadalaw sa magkabilang panig ng karagatan, maganda ang kalakalan at yumayabong ang relasyon ng mga Filipino at Tsino kaya't higit pa sa isyu ng kung sino ang may poder at kung ano ang tangan.

Nagpapatuloy pa rin ang pangakong cultural assistance mula sa Tsina sa pagkakaroon ng mga gurong nagtuturo ng Mandarin, ayon sa kanyang balitang natanggap mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce.

Nagkita na umano sila ni Pangulong Xi Jinping sa mga nakalipas na pagkakataon bagama't walang nakatakdang pagpupulong sa pagdaraos ng APEC sa Tsina sapagkat magiging abala ang mga Tsino sa kanilang pamumuno sa pulong. Sa susunod na taon ay Pilipinas naman ang mangangasiwa sa APEC Summit meeting.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>