|
||||||||
|
||
PTNT/20141027.m4a
|
Ang pelikulang Silent Witness ay isang murder mystery. Ang fiancee ng tycoon na si Lin Tai ( Sun Honglei) ay natagpuang patay sa isang parking lot at ang kanyang anak na si Lin Mengmeng ( Deng Jiajia) ang primary suspect sa murder na ito. Kinuha ni Lin Tai ang big shot lawyer na si Chao Li (Yu Nan) para idepensa si Mengmeng. Batayan ng kanilang defense ay ang CCTV footage na nagpapakita ng isang aksidente. Sa side ng Prosecutor, makakatapat nila ang bagating si Tong Tao (Aaron Kwok). Sa kanilang pag-iimbestiga isa isang lumantad ang maraming nakagigimbal na sikreto sa likod ng inakala nilang isang karaniwang murder case. Ang pelikula ay isinulat at directed by Fei Xing.
Impressive and camera work ng Silent Witness salamat kay Zhao Xiaoding. Siya rin ang nasa likod ng House of Flying Daggers at Curse of the Golden Flower. Sa interview sinabi ni Fei Xing sinabi niyang isa si Zaho Xiaoding ay isa isa iilang nanominate ng Oscar. Bago kunan ang eksena nag-uusap sila kung ano ang effect na gusto ng direktor tapos ito ay ine execute ng DP na batay sa kanyang karanasan.
Ano ba ang gustong take away ng direktor para sa mga moviegoers ng Silent Witness? Tugon ni Fei Xing "Sa Tsina, ang bawat pamilya ay pwede lang magkaroon ng isang anak. Dahil sa batas na ito, ang mga anak ay nakakakuha ng buong atensyon ng pamilya at ito ay nakagawian na kaya ito ay ipinagwawalang bahala na rin. Gusto ng direktor na iparating sa mga single kids sa Tsina na pahalagahan ang pagmamahal na nakukuha nila at wag ito balewalain."
Pakinggan ang pagtalakay sa pelikulang Silent Witness ng mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |