Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dalubhasa, duda pa rin sa PCOS

(GMT+08:00) 2014-11-11 17:49:18       CRI

MGA DALUBHASA, DUDA SA PCOS MACHINES.  Pinag-usapan sa Tapatan sa Aristocrat kahapon ang performance ng Precinct Count Optical Scan machines.  Duda sina Dr. Nelson Celis (pangalawa mula sa kaliwa) at dating Comelec Commissioner Gus Lagman (pangalawa mula sa kanan) sa naganap noong nakalipas na halalan ng 2010 at 2013.  Naniniwala naman si Atty. Romulo Macalintal (pangatlo mula sa kanan) na human error ang problema samantalang nangako si Comelec Director James Jimenez (pangatlo mula sa kaliwa) na may sapat na ginagawa ang kanilang tanggapan upang mapanatili ang kadalisayan ng halalan.  (Areopagus Social Media photo)

DUDA sina Dr. Nelson Celis, taga-pagsalita ng Automated Election System Watch o AESWatch at dating Comelec Commissioner Gus Lagman sa katinuan ng mga Precinct Counting Optical Scan o PCOS machines matapos ang dalawang halalan noong 2010 at 2013.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kahapon, sinabi ni Dr. Celis na ang kanilang grupo ay duda sa kakayahan ng PCOS na ilabas ang tunay na hatol ng bayan. Hindi umano maasahan ang mga makinang ito sa karanasan ng bansa noong 2010 at 2013.

Idinagdag pa niya na walang kaukulang safeguard mechanisms tulad ng itinatadhana ng batas. Wala umano ang ultra-violet ray capacity ng bawat makina upang makilala ang mga palsipikadong balota, wala ring source code at digital signature ng bawat kasama sa Board of Inspectors at Board of Canvasser sa bawat election results.

Nagpasa na rin ng resolusyon ang Comelec Advisory Council na nag-uutos sa Comelec na maglagay ng digital signature ng Board of Inspectors at Board of Canvassers.

Sa panig ni dating Comelec Commissioner Gus Lagman, duda siya kung bakit minamadali nina Chairman Sixto Brillantes at mga magreretirong commissioner ng Comelec ang subasta ng mga makina. Ani Lagman, kung hindi sila ang nakaupo bilang mga commissioner, baka mas gustuhin ng mga bagong luklok na commissioner na baguhin ang sistema. Makakatipid pa ang pamahalaan kung pababayaan na lamang ang mga bagong luklok na mangasiwa sa bidding sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal na wala pa siyang nabalitaan na balotang para sa isang kandidato na nabilang para sa ibang kandidato. Tanging "human error" ang nararapat baguhin.

Para kay Director James Jimenez ng Commission on Elections, ginagawa nila ang lahat upang maging maayos at kapani-paniwala ang darating na halalan.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>