Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uusap nina Pangulong Aquino at Xi Jinping, magandang pangitain

(GMT+08:00) 2014-11-12 18:19:09       CRI

ISANG magandang senyal ang naging pag-uusap nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Xi Jinping sa kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.

Ayon sa balitang inilabas ng Presidential Communications Operations Office ngayong araw na ito, sinabi ni Pangulong Aquino sa panayam ng Reuters na nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Pangulong Xi at sa pakikipag-usap sa kanya sa idinaos na tree-planting event sa pagtatapos ng ika-22 Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders' Meeting sa Beijing.

Ani Pangulong Aquino, may kakaibang init at nagkaroon ng pag-uusap sa pagtatanim ng puno at mayroong katapatan. Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na pinag-usapan ang mga kinakaharap na isyu at kung nasaan ang isa't isa, ano ang naging paninindigan at kung saan patutungo.

Nagkaroon umano ng "meeting of the minds" subalit kung ano ang detalyes na kailangan upang pakinabangan ang pag-uusap ay magiging obligasyon ng magkabilang-panig.

Ayon sa ulat, pinag-usapan ng dalawang pangulo ang isyu ng South China Sea o West Philippine Sea at nagkasundo sila na magkaroon ng makabubuting paraan upang matugunan ang isyu.

Sinabi ni Pangulong Xi na matagal na ang magandang relasyon sa mga nakalipas na panahon at umaasa siyang maibabalik ang magandang relasyon ng dalawang bansa. Tumagal umano ng sampung minuto ang kanilang pag-uusap samantalang pabalik na sa gusali.

Hindi inaasahan ang pag-uusap subalit ipinagpasalamat ni Pangulong Aquino ang positibong pangyayari. Sa nakalipas na Presidential Forum with FoCAP noong Oktubre, sinabi ni Pangulong Aquino na walang nakatakdang bilateral meeting sa pag-itan nila ni Pangulong Xi.

Ang huling paguusap ng mga pinuno ng Tsina at Pilipinas ay naganap noong 2011 ng dumalaw si Pangulong Aquino sa Tsina at nakadaupang-palad si Pangulong Hu Jintao.

Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na natuwa siya sa oportunidad na makausap si Pangulong Xi. Marami na umanong naganap matapos ang pagdalaw niya sa Tsina noong 2011.

Sa isang hiwalay na panayam sa mga mamamahayag mula sa Maynila, sinabi ni Pangulong Aquino na inanyayahan niya si Pangulong Xi na dumalaw sa Pilipinas at hiningan niya ng tulong, tulad rin ng ibang mga lider sa pagiging punong-abala ng bansa sa susunod na APEC.

Wala umano siyang napunang masama sa ginawa ng Tsina sa pagiging punong-abala sa APEC. Naging tama ang lahat ayon sa balak at pagtatangkaan ng Pilipinas na tapatan ang nagawa ng Tsina sa susunod na taon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>